EPISODE 15

164 2 0
                                    

-Sakuno-

Nag hahanda na ako sa pag pasok.

Medyo na hihirapan pa ako dahil naka cast pa ang kaliwang paa ko.

May laban ngayon ang team, hindi ako makakasama dahil sa injury na ito.

Hay.. Kasalanan ko rin naman kasi to.. Ang clumsy clumsy ko.

'Tok.. Tok.. Tok..'

Katok sa pinto ng kwarto ko at bumukas naman yon.

"Sakuno.. Nandyan na si Ryoma."

"Opo Lola.."

"Na papadalas ata ang pag sundo ng batang yon sayo."

"Po? Ah.. May injury po ako nag mamagandang loob lang po si Ryoma."

"Talaga? Nag mamagandang loob? Pwede naman ako ang mag hatid sayo"

"Lola..ano po bang iniisip nyo?"

"Wala naman...parang hindi naman nya ugali yon... Sige bumaba kana."

"Opo."

...

...

...

...

Pag baba ko na abutan ko na kausap ni Lola si Ryoma.

"Bakit ba ayaw mong pumayag na mag pa interview, ako ang kinukulit ng Magazine company na yon."

"Basta ayoko.. Kung gusto nyo kayo nalang.."

"Ako ba si Ryoma Echizen?"

"Kayo nalang sumagot sa mga magugulong yon."

"Hay nakong bata ka anong akala mo sa akin? Sa tuwing may pupuntang reporter sa team ko ikaw lagi ang tinatanong imbis ang mga manlalaro ko... Oo nga pala pwede ba kitang kunin na trainer ng mga hawak kong bata ngayon? "-Lola

"Pag iisipan ko po.."-Ryoma

"Pag iisipan? Masyado ka bang busy huh?.. sige babalikan kita tungkol Don."-Lola

"Ano pong pinag uusapan nyo?"
Singit ko sa usapan nila, dahan dahan akong bumaba sa huling hakbang ng hagdan.

"Wala naman yon.."
Sabi ni Lola at bumaling sya kay Ryoma.
"Oo nga pala, Ryoma.."

"Hmh?"

"May kakaiba akong na papansin sa inyo ni Sakuno... Na papadalas yata ang pag sundo mo sa kanya? At pati pag tawag sa cellphone nya."

Nagulat ako sa sinabi ni Lola pano nya na laman na tumatawag sa akin si Ryoma?

"Lola?"

Tumingin ako kay Ryoma na seryoso lang na parang hindi sya nagulat.

"Ano bang intensyon mo sa Apo ko huh? At kahit malalim na ang gabi nag uusap pa kayo? At saka hindi mo naman na kailangan sunduin dito si Sakuno..pwede ko naman sya ihatid"-Lola

Prince Of Tennis: Sakura Hime-sama Story [RYOSAKU FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon