EPISODE 14

173 1 0
                                    

-Lara-

Pag katapos ng isang linggong training bumalik din kami sa klase.

May kakaiba akong na papansin ngayon kay Sakuno.

Pinapanood ko sya habang kausap nya si Tomoka.

Ang ganda ng mga ngiti ngayon ni Sakuno.

Pag katapos ng training ganyan na ang mga ngiti nya.

Tumingin ako kay Ryoma na kausap naman si Kachiro at ilan naming kakaklase.

Na pansin ko na nakangiti si Ryoma.

Mukang napapadalas ang pagiging good mood nya.

Nag simula ang buong klase namin.

Pag katapos ng ilang oras nag ring na ang bell hudyat ng lunch break namin.

Lumapit ako kina Tomoka at Sakuno.

"Sakuno, tara sabay na tayong mag lunch."

"Mukang may mga darating nanaman na masasarap na pag kain ngayong lunch ah."
Excited na sabi ni Tomo.

"Sorry.. Meron kasi akong gagawin ngayon."-Sakuno

"Saan ka pupunta? Mag isa ka lang ba? hirap ka pa mag lakad ngayon."
Sabi ni Tomo at tumingin sya sa clutch na nasa gilid ni Sakuno.

"Naka pangako kasi ako sa isang tao ngayon."-Sakuno

"Walang problema Sakuno.. Kami nalang muna ni tomo at An Senpai."
Sagot ko sa kanya.

"Hmh.. Salamat Lara"

"Okay see you nalang mamaya."
Sabi nalang ni Tomo kaya naman tumayo sya at sabay na kaming umalis.

...

...

...

...

...

...

...

...

-Sakuno-

Naka pangako ako ngayon na sabay kami mag lunch ni Ryoma.

Tumingin ako sa bag ko, medyo malaki ang dala ko ngayon dahil sa dalawang bento na dala ko.

Tinulungan ako ni Mama na mag luto nito, ang pag kaka alam pa nya para kay Tomo ang isang bento.

Nakuha ng atensyon ko si Ludovic na lumapit sa akin.

"Cerisier.. Kamusta na ang binti mo?"
Tanong nya sa akin.

"Medyo okay naman na ako.."

Tumayo ako at kinuha ang clutch ko.

"Gusto mo ba samahan na kita kung saan ka pupunta."-Ludovic

Prince Of Tennis: Sakura Hime-sama Story [RYOSAKU FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon