EPISODE 23

139 3 0
                                    

-Ryuzaki Residence-

"Kailan daw po ang kasal nila?"
Gulat na tanong ni Sakuno kay Sumire.

"This weekend na yon.. Sinabi nya na isama daw kita sa araw na yon."-Sumire

"Hmmh.. Ikakasal nadin si ate Hiromi."-Sakuno

"Ihanda mo ang mga gamit mo, pupunta tayo sa Osaka.. Aalis tayo ng Biyernes ng umaga."

"Ah.. Okay po Lola."

...

...

...

...

...

Habang sa Echizen Residence.

Kababa lang ni Ryoma galing sa kwarto nya at na pansin nya na parang walang tao sa bahay nila maliban sa kanya.

Dumeretso sya sa kusina at pumunta sa harap ng ref, nakita naman nya ang note na iniwan doon ni Nanako na nakadikit sa refrigerator nila.

Ohayoo Ryoma.. Wala ngayon sa bahay sina Tito at Tita meron silang pinuntahang kasal ng anak ng kaibigan nila at baka bukas pa sila makauwi.

Ako naman baka gabihin pa dahil sa mga gagawin ko sa trabaho.

May niluto na akong breakfast..kumain ka bago pumasok!

-Nanako.😊

Pag ka basa nya non, nilingon nya ang dining table at nakita nya na may na tatakpan na Don na pag kain.

"Meaaww.."
Lapit ni Karupin sa kanya. Tiningnan nya ang kainan ni Karupin.

"Hindi ka pa ba kumakain Karupin?"
Lumapit sya sa feeding area ni Karupin at nag lagay ng cat food.

Agad naman kumain si Karupin.
Pinapanood naman nya kumain ito ng maalala nya si Sakuno na tuwang tuwa sa kanya.

Nang maalala ang ngiting yon ni Sakuno na pangiti nalang sya.

"Oi.. Karupin.. Hindi ako papayag na ikaw ang dahilan ng mga ngiting yon ni Sakuno. Nag kakaintindihan tayo?"

"Meaaww.."

Na pangiti nalang sya sa harap ni Karupin at hinawakan nya ito sa ulo.

"Meaaww.."

Tumayo sya mula sa pag kakaupo nya.

Pag katapos nyang kumain pumunta naman sya sa kwarto nya para mag ayos.

Pag katapos nya maka pag bihis Kinuha nya ng phone nya at ang gamit nya.

Habang nakasakay sa train nakaupo sya at naka tingin lang sa cellphone nya tinitingnan nya ang mga kuha nilang picture sa beach resort ng pinsan ni Horio.

Prince Of Tennis: Sakura Hime-sama Story [RYOSAKU FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon