EPISODE 22

145 6 0
                                    

Pag katapos ng pananghalian, mag kasama sina An, Tomo at Sakuno sa pool at nakaupo sila sa ilang mga rest area sa pool.

"Sakuno.. Sorry pumayag pa ako sa gusto ni Horio hindi ko naman alam na babae pala ang pinsan nya."
Pag sosorry ni Tomo.

"Tomo.. Hindi naman ako nagagalit dahil Don.. Okay lang ako."
Ngiting sabi ni Sakuno.

"Hindi ka galit kahit na grabe ang pag pulupot ng babaeng yon kay Echizen?"
Tanong ni An sa kanya.

Nahinto si Sakuno at naging siryoso.

"An senpai.. Alam kong maraming ganoong fans si Ryoma... Maraming humahanga sa kanya dahil sa galing nya mag laro at isa pa.. "
Bigla syang na mula
"Dahil sa itsura nya marami syang fans na babae."
Dugtong nya.

"Tama ka Sakuno.. Sobrang cool pa naman nya lalo pag nasa loob sya ng court."
Dugtong ni Tomo.

"Wow Sakuno.. Napaka understanding mo naman.. At okay ang thinking na ganyan ah.. Secured ka sa feellings sayo ni Echizen."

"Eh.. Pero An Senpai.."

Na pansin ni An ang pag bago ng ekspresyon ng mukha ni Sakuno

"Bakit Sakuno?"

"Hmh.. Pakiramdam ko po kasi hirap din po akong pigilan ang sarili ko na hindi mainis pag nasa ganoong sitwasyon na ako... Ayokong ipakita kay Ryoma na parang wala akong tiwala sa kanya."

Nag aalala ang mga tingin nina Tomo at An kay Sakuno.

"Ryuzaki-san.."

Tawag ni Momo.. Na palingon sila sa palapit sa kanila sina Ryoma, Momo at ang trio.
Hawak hawak ng trio si Ryoma na halatang pinilit itong isama.

"Ryoma-kun.."

"Ryuzaki.. Mag papaalam lang si Echizen.."

"Mag papaalam? Para saan?"-An

"Nag yaya kasi si Sakai-san sa tennis court area nila dito.. Gusto nyang turuan sya ni Echizen sa pag lalaro ng tennis."

"Eh?"
Gulat na sabi ni Tomo at na patingin sya kay Sakuno.

"Sandali.. Diba nakuha na nya ang autograph ni Echizen at nag pakuha narin sya ng picture pag kakain natin, yun lang naman ang gusto nya diba? Bakit may pag turo ng tennis pa?"
Tanong ni Tomo

"Osakada.. Gusto lang naman ni Megumi-chan na makasama ang idol nyang si Echizen sa loob ng tennis court.. Isa sa mga pangarap nya yon."-Horio

"Pangarap? Hellooo sobra naman na sya noh.."
Iritableng sabi no Tomo.

"Tomo.. Okay lang naman yon.. Halos naman siguro ng fans ni Ryoma gusto mag karoon ng pag kakataon na ma turuaan sila ng idol nila."
Dugtong ni Sakuno.

Medyo nag tataka naman si Ryoma sa kinikilos ni Sakuno.

Lumingon si Sakuno kina Ryoma.

Prince Of Tennis: Sakura Hime-sama Story [RYOSAKU FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon