EPISODE 10

180 2 1
                                    

-Author-

Habang sa class room

"Sakuno.. Kailangan ko nang pumunta sa Grupo ko sa project natin..mag kita nalang tayo bukas..?"
Paalam ni Tomo kay Sakuno.

"Sige Tomo.."
Naiwan si Sakuno sa desk nya at hawak ang ilang papers na kailangan nila sa ginagawa nilang project.

"Ryuzaki-chan.."
Tawag ng isang estudyante na lumapit sa kanya

"Zukiya-kun.."

"Ryuzaki.. Pupuntahan ko ngayon kina Yato ang ilang materials na kakailanganin natin, ayos lang ba na bukas ko nalang bilihin ang ilang materials na kailangan natin? "

"Ayos lang Zukiya ako nalang ang bibili non."
Ngiti ni Sakuno kay Zukiya...

"Pero medyo malalaking materyales yon"-Zukiya

"Wag kang mag alala Zukiya.. Kaya ko yon.."
Nakangiting sabi nya uli.

Na patitig naman si Zukiya dahil na bighani ito magandang ngiti sa kanya ni Sakuno.

bahagya naman na mula ang mukha ni Zukiya.

"Okay..S-salamat Ryuzaki.."-Zukiya

Nagulat silang pareho na may umakbay kay Zukiya, nilingon yon ni Zukiya at laking gulat nya na si Ludovic ito at masama ang tingin sa kanya.

"Wala namang dumi sa mukha si Cerisier para titigan mo ng matagal."
Sabi nito kay Zukiya

"Huh? Sandali, bakit ka nandito?.. Hindi ka naman namin kakalase sa subject na to?"

Hindi nya sinagot si Zukiya at bumaling sya kay Sakuno.

"Narinig kong may mga bibilihin ka... Sasamahan nakita Cerisier"

"Huh? Naku hindi na.. kaya ko naman nayon.."

"Hayaan mong tulungan kita Cerisier.."

Hindi na naka pag salita si Sakuno.

...

...

...

...

...

...

Sa isang mall sinamahan ni Ludovic na mamili si Sakuno.

Hawak na nila ang ilang pinamili habang nag lalakad.

"Ouji-sama.. Medyo mabigat yang mga dala mo..."-Sakuno

"Hindi naman sya mabigat."
Sagot ni Lodovic.

"Thank you.. Ouji-sama."

"Cerisier.."

"Huh? Ano yon?"

Prince Of Tennis: Sakura Hime-sama Story [RYOSAKU FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon