EPISODE 33

100 3 2
                                    

-Seigaku Junior High Assembly-

Lahat ay naka tingin sa lumang bahay na tutuluyan ng mga member ngayon ng Seigaku Tennis club.

"Dito tayo tutuloy ng ilang araw..pumasok na kayo."

Sabi ni Sumire pero walang gumalaw kahit isa sa mga bata.

"Bakit walang gumagalaw sa inyo?"-Sumire

"Coach! Seryoso ba kayo dito?"-Itsuki

"Bakit muka ba akong nag bibiro? Nandito na tayo"

"Coach, dito nyo pinag training sina Fuji-sama Senpai?"-Imada Jin 2nd year Junior High 13yrs old.

"Fuji-sama?"-Sumire

"Imada, nakilala mo na ba si Fuji?"

"Hindi pa coach! Pero isa sya sa mga sinusubaybayan kong tennis player noong bata pa ako."-Imada

"May isang fan pala ni Fuji dito."

"Coach! Ako fan ako ni Inui senpai!"-Kawano Ike 2nd year Junior High 13 years old.

"Sigurado ka ba kawano?"-Sumire

"Sobrang galing nya sa pag kuha ng mga data.. At sobrang galing nya sa pag apply nito sa larong tennis."-Kawano

"Wag mo lang sana ma diskubre ang mga juice ma ginagawa nya."-Sumire

"Ano po yon?"-Kawano.

"Tama na ang daldal.. Mabuti pa pumasok na tayo"-Hakaku Fumihiro Captain 3rd year Junior High 14 years old

"Pero captain nakakatakot pumasok dyan."- Matsuo Kaito 3rd year Junior high. 14 years old

"Hmh.. Tama si Kaito, parang may multo nang nakatira sa loob nyan."-Nagasawa Yuuji 3rd year junior high. 14 years old

"Ang dami nyong reklamo, hindi tayo makaka pag simula kung nandito lang tayo"-Oyama Takei, vice captain 3rd year junior high 14 years old.

"Hehehe.. Pero Takei.. Mukang kasing tanda na ni coach ang bahay na ito for sure dito sya nag lalaro ng kabataan nya.. pwede ikaw ang mauna?"-Shiraki Usui, 3rd year Junior High 14 year old.

"Bakit ako? Captain Hakaku.. Dapat ikaw ang mauna."-Takei

"Haay.. Ano ba kayong mga bata kayo!! Pumasok na kayo!"
Inis na sigaw ni Sumire.

Nagulat silang lahat ng biglang bumukas ang pinto.

Kinabahan sila kaya agad silang nag dikit dikit.

Tatlong tao naka apron ang lumabas mula sa bahay.

"Nandito na pala kayo, bakit walang pumapasok?"-An

"Hello everyone! Nag hahanda kami sa lunch nyo!"-Sora

"Lola, bakit hindi pa kayo pumapasok?"-Sakuno.

Prince Of Tennis: Sakura Hime-sama Story [RYOSAKU FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon