EPISODE 39

108 1 3
                                    

Habang sa girls tennis club.

"Ehh? Totoo po ba yan Senpai?"-Tomo

Lumingon si An kay Tomo,  mag kasama silang pinapanood ang practice match ni Sakuno.

"Totoo, tatlong araw na silang hindi nag kikita, pero nag kakausap naman sila kahit sa tawag lang."-An

"Pano nangyari na hindi sila nag kikita, akala ko po ba nag t-training kayo kasama ang kuya ni Ryoma-sama, hindi po ba kasama si Ryoma pag nag kikita kayo?"-Tomo

"Iba ang training ni Echizen, actually nga noong huli naming pag kikita, sinabi ni Sakuno ang tungkol sa training namin with Ryoga.. Mukang hindi sang ayon si Echizen, pero wala din sya nagawa, ayaw ni Sakuno na ma istorbo din sya sa training nya."

"Ehh?"
Nag aalalang tumingin si Tomo kay Sakuno.
"Dalawang araw mula ngayon, mag sisimulan na ang laban nyo at aalis na rin si Ryoma-sama.. Nalulungkot ako para sa kanila."

Nakatingin si An kay Tomo at binalik nya ang tingin nya kay Sakuno.

"Haays.. Nag aalala rin ako, hindi ko alam kung okay ba talaga sya o pinipilit nya maging okay."-An

Habang kay Sakuno, katatapos lang ng practice match nya at nakipag kamay sya sa nakalaban nya.

Pag labas nya ng court sinalubong agad sya ni Tomo at An.

"Sakuno!!"
Seryosong humarap si Tomo kay Sakuno

"Tomo-chan, nandito ka pala"
Ngiti nyang sabi.

"Nakaka ngiti ka pa talaga? O pinipilit mo lang ngumiti?"-Tomo

"Ehh? May problema ba Tomo-chan?"-Sakuno

"Sakuno, bakit hinayaan mo na tatlong araw kayo hindi nagkikita ni Ryoma, diba nga dapat sinusulit mo ang oras na nandito sya!"-Tomo

"Tomo-chan, may kailangan gawing training si Ryoma at ganun din naman ako.."
Ngiting sabi ni Sakuno

"Haist.. Hindi ko maintindihan mas priority nyo pa ang tennis kaysa sa relasyon nyo?"-Tomo

"Tomo, hindi naman sa ganon.."-Sakuno

"Sakuno, malapit nang umalis si Ryoma dapat sa mga oras na ito mag kasama kayo dahil matagal kayong hindi mag kikita."-Tomo

"Na pag usapan naman namin ni Ryoma ang tungkol dito at saka---"

"Tama si Tomo"-An

"An senpai"-Sakuno

"Sakuno, malaki na ang nag improve sayo, kung tutuusin pwede ka muna mag pahinga sa training mo at mag bigay ng oras sa inyo ni Echizen."-An

"Pero Senpai, mas kailangan ni Ryoma ng oras sa training dahil mas malaki ang tournament na pinag hahandaan nya"-Sakuno

"Sakuno, ano ba talagang nasa isip mo?"-An

Natahimik si Sakuno, at seryoso naman nag hihintay ng sagot sina An at Tomo.

Prince Of Tennis: Sakura Hime-sama Story [RYOSAKU FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon