EPISODE 45

82 2 0
                                    

Nakaupo sa bench si Sakuno, nasa park sya malapit sa tinutuluyan nila.
Na pansin niya ang isang babae na nakaupo din sa bench at nakatingin sa kanya.

Inalis nya ang tingin sa babaeng yon at bigla nya na alala ang nangyari kay Lara at Ryoma at ang pag iwas nya sa halik ni Ryoma.

"Ryuzaki-chan.. Sigurado ka bang okay ka lang?.."
Na patingin sya kay kintaro na nakatayo sa harap nya.

"Tooyama-kun.."

"Eto.. Baka nagugutom ka na.."
Nag abot sya kay Sakuno ng sandwich at inumin na binili nya sa convenience store

"Salamat.. Tooyama-kun"
Sabi nya at umupo naman si Kintaro sa tabi nya.

"Hindi ka nag lunch at dinner ka gabi kaya siguradong gutom ka."
Pag sasalita ni Kintaro.

Tumingin sya sa pag kain na binigay ni Kintaro at binuksan nya yon at nag simulang kumain.

"Pwede ba akong mag tanong Ryuzaki-chan?"

"Hmmh.. Sige, ano yon?"-Sakuno

"Ehh.. Pwede ko bang itanong yon? Kasi tungkol sa inyo ni Lara-sama, nag tataka ako kung bakit nya nagawa... Ah, wag mo na pala sagutin."
Hininto ni Kintaro ang pag Tatanong, pinaalala pa kasi nya uli ang nangyari.

Na patingin naman si Sakuno sa hawak nyang sandwich.

"Ang totoo nyan.. Kasalanan ko, kung bakit."
Sagot ni Sakuno at na kinig naman si Kintaro sa mga sinabi nya.

...

...

...

...

...

...

...

...

Habang kay Kevin at Ryoma..

"Hindi nyo parin pinag uusapan ang tungkol don?"-Kevin

Tahimik lang si Ryoma habang nag lalagay ng grip tape sa racket nya.

"Sinubukan mo ba syang kausapin tungkol don?"
Tuloy ni Kevin.

"Satingin mo ba hindi ko ginawa yon?"
Sagot ni Ryoma.

"Ibig sabihin umiiwas sya na pag usapan yon..?..akala ko ba alam nya na hindi mo naman ginusto yon.."

Huminto si Ryoma sa ginagawa nya..

"Ibig sabihin hindi sya okay sa nangyari.."
Dugtong ni Kevin

"Oo nga pala, nakuha mo na ba yung invitation para sa formal gathering nga mga athletes? For sure naman ang dadalhin mong date ay si Sakuno.. Marami reporters ang nandon ibig sabihin ba okay lang sayo na makilala nila si Sakuno na fiacee mo?"
Pag iiba ni Kevin sa usapan.

Prince Of Tennis: Sakura Hime-sama Story [RYOSAKU FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon