EPISODE 36

147 4 2
                                    

Nakita ni Ryoma si Itsuki malapit sa ilog,  na kaupo sya sa damuhan nakayakap ito sa mga binti nya.

"Oi,  may training ka pang tatapusin"
Pag sasalita ni Ryoma.

Dahan-dahan na mang lumingon si Itsuki at halatang galing ito sa pa iyak.

"Umiiyak ka?"

"Wala kang paki alam!"
Mahinang sagot si Itsuki at bumaling sya sa ilog.
"Wala kang alam sa nararamdaman ko ngayon"

"Hays.. Bata ka pa talaga..  Tumayo ka na at bumalik ka na sa training

"Wala akong gana. "

"Ano?"

"Anong ginawa mo?  Panong naging boyfriend ka nya?"

"Anong klaseng tanong yan?hindi ba obvious ang sagot?."
Sagot ni Ryoma kaya tumingin ng masama sa kanya si Itsuki.

"Matagal ko nang gusto si Senpai.."

"Alam kong gusto mo sya.."
Umiwas naman ng tingin si si Itsuki kay Ryoma.

"Bakit sya umiiyak kanina?"
Tanong ni Itsuki kaya na hinto si Ryoma. Sumandal sya sa isang puno malapit sa kinatatayuan nya.

"Malungkot sya."
Seryosong sagot ni Ryoma.

"Bakit naman sya nalulungkot may ginawa ka ba?"-Itsuki
Hindi na sinagot ni Ryoma si Itsuki.
"Kung gusto ka nya bakit parang hindi sya masaya?"

"Tumayo ka na dyan.. Mag simula ka na sa training mo."
Sagot ni Ryoma at naka pahimulsa itong  mag lakad pa alis.

Tumayo naman si Itsuki.
"Kung boyfriend ka nya dapat pinasasaya mo sya!."

Huminto sa pag lalakad si Ryoma.

"Alam ko yon."
Sagot lang ni Ryoma at nag pa tuloy na ito sa pag lalakad.

Sinundan sya mg tingin ni Itsuki. At tumakbo narin sya para sundan ito.

...

...

...

...

....

Habang sa pag lalakad ni Sakuno pabalik,  naka salubong nya si Kaidoh.

"Kaidoh senpai.."

Huminto sa pag lalakad si Kaidoh ng makita si Sakuno.

"Ikaw pala Ryuzaki."

"Pabalik na po ba kayo para sa training?"

"Oo."

"Sige po.. Babalik narin po ako."
Sabi ni Sakuno at nag simula sya uling mag lakad.

"Ryuzaki.."
Tawag ni Kaidoh at napalingon naman sa kanya si Sakuno

"Ano po yon Senpai?"

Prince Of Tennis: Sakura Hime-sama Story [RYOSAKU FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon