EPISODE 13

175 1 0
                                    

-Sakuno-

Medyo magaan na ang pakiramdam ko at hindi na ganon kasakit ang injury ko sa paa.

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.

Puting ilaw at kisame agad ang nakita ko.

Wala ako sa kwarto namin sa rest house.

Nilibot ko ang mata ko ng makita ko si Ryoma na nakaupo malapit sa higaan ko at natutulog.

Lumingon pa ako sa paligid at nakita ko sa sofa sina Captain at Oishi Senpai na tulog din.

Tiningnan ko ang oras sa orasan na nakasabit sa kwartong yon.

6:45am

Oras na para sa training, na pa bangon ako at na pansin ko ang suwero na naka dikit sa akin.

"Hmh? Nasa Ospital ako?"
Doon lang nag sink in sa akin kung nasan ako.

Na patingin ako kay Ryoma na mahimbing ang tulog.

Sa ayos nya, nag aalala ako kung okay lang sya.. Mahirap kasi matulog na ganon ang ayos.

Naka sandal sya sa upuan naka cross ang mga braso at naka yuko.

Sinilip ko ang mukha nya.

Na pangiti naman ako dahil napaka inosente ng itsura nya habang na tutulog.

Tumingin ako sa paligid.

Wala bang extrang kumot para sa kanya?

Tatayo sana ako para mag hanap nang biglang..

"Saan ka pupunta?"
Na palingon ako kay Ryoma.

"Ah.. Ryoma-kun"

"Hindi mo pa pwedeng ilakad ang paa mo..yun ang sabi ng doktor."

Binalik ko ang mga binti ko sa kama.

"Ah.. So sorry na pag alala ba kita?"
Tanong ko sa kanya.

"Ano sa tingin mo? Sobrang taas ng lagnat mo kagabi."

"Sorry.."

Napaka siryoso ni Ryoma.
Lagi naman syang siryoso, pero medyo nakakatakot sya ngayon.

"Gusto mo ba ng tubig?"

"Hmh"
Tango ko

Tumayo si Ryoma at kumuha ng tubig sa table malapit kina Captain.

Pag ka kuha nya ng tubig lumapit sya sa akin at inabot yon.

"Salamat"
Pasasalamat ko at uminom ako.

"Na paka clumsy mo talaga.."

Sabi ni Ryoma kaya sinimangutan ko sya.

Prince Of Tennis: Sakura Hime-sama Story [RYOSAKU FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon