EPISODE 38

97 1 0
                                    

Mag kakasama sina Nanjiro, Ryoga at Ryoma sa iisang court.

Kaharap ngayon ni Ryoma ang dalawa.

2vs1

Pawis na pawis at hinihingal sya sa training ma ginagawa nila.

"Pagod ka na agad?.. Tsk.. Tsk.. Yan na nga ba sinasabi ko eh.. "
Pang aasar na sabi ni Nanjiro.

Hindi naman pinapansin ni Ryoma ang pang aasar nito.

"Gusto mo bang mag pahinga muna bunso?"
Dugtong ni Ryoga.

"Ituloy natin to"
Sagot ni Ryoma.

Tumingin si Ryoga sa wrist watch nya at halos mag 12nn na.

"Oi bata.. Malapit na ang panang halian.. Pwede naman tayo mag pahinga muna.."-Nanjiro

"Pagod ka na ba Tatang?.. Sige na iitindihan ko.. Tumatanda ka na kasi. "😒
Pang aasar ni Ryoma

"Anong sabi mo?  Oi.. Sinong tumatanda huh?"-Nanjiro

"Tama naman sya Tatang.. "-Ryoga

"Ano? Oi kayong dalawa.. Malakas pa ako at kaya ko pang makipag sabayan sa inyo!"
Inis na sabi ni Nanjiro.

...

...

...

...

"Malapit na ang pananghalian,  hindi pa ba kayo titigil?"
Tanong ni Nanako nang dumating ito sa court

"Oh? Nakahanda na ba ang pag kain?"-Nanjiro

"Nag hahanda na po si Tita... Pina susundo na po nya kayong tatlo..  Huminto muna po kayo at kumain."
Dugtong ni Nanjiro

"Okay.. Susunod na kami."
Sagot ni Ryoga at nag lakad na pa alis si Nanako.
"Pag katapos natin kumain kailangan ko narin umalis."-Ryoga

"Okay.. Ako nang bahala sa training ni Ryoma mamaya"-Nanjiro

"Sige Tatang.. Pag balik ko dala ko na yung pinabibili mo."-Ryoga

Nag tataka naman si Ryoma sa pinag uusapan nilang dalawa.

"Aalis ka? Saan ka pupunta?"-Ryoma

"Oh?.. Hindi ko pala na sabi sayo.. Tinawagan ko si Sakuno-chan niyaya ko sila ng mga kaibigan nya para makabawi sa kanya... Pumayag naman sya agad, may hiningi rin kasi syang pabor."

"Ano? Tinawagan mo si Sakuno? Pano mo sya natawagan?"

"Syempre gamit ang cellphone.."

"Pano mo nakuha ang number nya?"
Medyo inis na tanong nya.

"Ah.. Yun ba.. Hinanap ko sa phone list mo.. Bakit naman ganon ang naka register na pangalan ni Sakuno sa phone mo masyadong plain.. Sakuno-chan with heart?.. Dapat 'My Love' or  'Sweet heart' man lang.. Pinalitan ko na mas sweet yon."

Prince Of Tennis: Sakura Hime-sama Story [RYOSAKU FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon