EPISODE 16

151 2 0
                                    

-Chardard Residence-

Kumakain ng almusal si Ludovic ng maramdaman nyang may dumating at nakatayo sa kabilang dulo ng mesa.

Alam nyang si Lara ang dumating.

"Buti naman lumabas ka rin sa kwarto mo."
Sabi nya habang hinahati ang stake sa plato nya.

"Pupunta sina Cerisier dito mamaya.. Nag aalala sya sa kalagayan mo."

Na pakuyom ang mga kamay ni Lara.

"Kasama nya sina.."
Nahinto sya nang tumingin sya kay Lara at gulat na gulat sya sa maiksi nitong buhok.
"Anong ginawa mo sa buhok mo?"

"Wala kang pakialam.."
Sabi nya at umupo na sya para kumain.

"May problema ka ba Lara?"

"Wala.."

"Hmmh.. Bakit ba ganyan ang inaasal mo? Ano bang nangyayari sayo."

"Sinabi ko ng wala diba? Pwede wag ka nang mangulit!!"

"Hoy.. Wala ka nang respeto mas matanda parin ako sayo."

Natahimik lang si Lara.

"Pupunta dito ang ilan sa mga kaibigan natin kaya.."

"Kaibigan?..hmh.. Wala akong kaibigan sa kanila.."
Sabi ni Lara at bigla tong tumayo at umalis sa dinning area nila.

Hindi alam ni Ludovic kung ano ang nangyayari sa kanyang kapatid

...

...

...

...

...

Habang sa waiting place nila Sakuno.

Mag kasama na sina Sakuno, Ryoma at Kachiro.

Hinihintay nila ang nag prinsintang mag dala ng sasakyan na si Horio.

Nag ring ang cellphone ni Sakuno kaya.

Tomo-chan Calling...

Agad naman yon sinagot ni Sakuno.

"Hello Tomo chan?"

"Hello.. Sakuno.. Nandyan na ba kayo?"

"Kami palang nila Ryoma at Kachiro.. Ikaw papunta ka naba?"

"Sorry bigla kasing nag message sakin si Ishida.. Need naming mag meet eh.."

"Ganon ba? Kung ganon hindi ka makaka sama?"

"Oo.. Pero may papunta narin dyan na kapalit ko.."

"Kapalit mo?"

Sa hindi kalayuan may dalawang tao na palapit sa kanila.

Prince Of Tennis: Sakura Hime-sama Story [RYOSAKU FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon