EPISODE 25

119 3 0
                                    

-Echizen Residence-

7:25am
Habang sa kwarto ni Ryoma naka upo sya sa study table nya at nakatingin sa sobre na binigay sa kanya ni Nanjiro.

Naka titig lang sya dito at malalim ang iniisip.

Hindi parin nya magawang ma confirm ang slot dito hanggat hindi pa nya ito na sasabi kay Sakuno.

Kinuha nya ang sulat at nilagay yon sa kanyang bag at tumayo na ito para pumasok.

...

...

...

...

Habang kay Sakuno nag lalakad na ito papasok ng gate ng University ng maalala nya ang pag uusap nila ni Kintaro tungkol sa invitation nito mula sa America.

"Wala parin sinasabi si Ryoma, tungkol don.. Ilang linggo narin ng matangap yon ni Touyama-kun, ibig sabihin may natanggap narin na invitation si Ryoma, imposibleng wala."

Pag sa salita nito sa kanyang isip

"Sakuno!!"
Huminto sya sa pag lalakad at lumingon sa tumawag sa kanya.

"Tomo-chan.."

"Good morning!!"
Bati ni Tomo at tumakbo ito palapit sa kanya.
"Kamusta ang pag punta mo sa Osaka?"

"Ayos naman Tomo."
Ngiting sabi nito. At sabay na silang nag lakad papasok.

"Kamusta and kasal ng pinsan mo? Anong itsura ng wedding gown nya?"

"Sobrang ganda nya Tomo.."
Kinuha nya ang phone nya at pinakita ang picture ng pinsan nya
"Sobrang ganda nya sa wedding gown na suot nya."

"Wow.. Tama ka.."
😊😊

May message naman na nag pop up sa screen ng cellphone nya, message mula kay Ryoma na pina pupunta ito sa madalas nilang tamabayan pag lunch.

Nakita yon ni Tomo kaya naman..
"Ang aga ka naman hanapin ng Boyfriend mo.."😏

Bahagyang namula si Sakuno.

"Tomo, meron lang siguro syang sasabihin."

"Ey.. Ilang araw ka rin sa Osaka kaya siguradong na miss ka nya...osige na puntahan mo na sya.. May 30 mins pa bago mag start ang unang subject natin... at ako naman pupunta na sa room natin."

"Hmh, sige Tomo."
Una ng nag lakad paalis si Tomo at si Sakuno naman ay papunta sa lugar kung saan sila madalas mag lunch na mag kasama ni Ryoma.

Pag dating nya doon nakita nya si Ryoma na naka tayo at naka pahimulsa.

Na pangiti nalang sya dahil excited din itong makita si Ryoma.

"Ryoma!"
tawag nya at lumingon ito sa kanya at ngumiti.

Naka ngiti syang tumakbo palapit dito.

Prince Of Tennis: Sakura Hime-sama Story [RYOSAKU FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon