EPISODE 28

121 2 2
                                    


-University Women TennisClub-

"Hai!.. Hindi ko po kakalimutan... Wag po kayong mag alala ayos lang po ako... Heheh Lola naman.. Sige po.. Tawagan nyo po ako kung kailan ang balik nyo.. Opo.. Sige po bye.." -Sakuno
Binaba nya ang phone nya at binalik yon sa bag nya na nakalagay sa bench.

Lumapit si An sa kanya ng mailagay na nya ang phone nya sa bag.

"Si coach Ryuzaki yon, kailan daw balik nya?"-An

"Tatawag nalang daw po sya kung kailan ang balik nya para masundo po sya.. Madami daw po kasi sya na pamili sa Germany."

"Wow.. Mukang nag eenjoy naman sya doon."

"Tama kayo."

"Sakuno, tapos naman na ang training natin, pwedeng samahan mo ako?"

"Hmh? Saan po tayo pupunta?"

...

...

...

...

...

Bumaba sila ng taxi sa isang University.

"Ano pong gagawin natin dito senpai?"

"May pupuntahan dito si Takeshi."

"Po? Si Momo Senpai po?"

"Hmmh..Naalala mo ba ang captain ng girls tennis team noon ng Yamabuki Middle school?"

"Eh? Si senpai Sora Minagi? "

"Sya nga, naka laban narin sya ng team mo noon."

"Hmh..pero bakit po natin sya pinag uusapan?"

"Nakita ko si Takeshi at sya ng mag kasama sa isang covenient store na mag kausap."

"Tapos po?"

"At sa klase namin kanina narining ko na may kausap sa phone si Takeshi at binanggit nya ang pangalan ni Minagi mag kikita sila ngayon dito."

"Si senpai Momo? Pero bakit po sya pinuntahan ni Senpai?"

"Yun ang gusto kong malaman."

"An senpai? Hindi po kaya.."

Natahimik si An at na paiisip.
Napansin ni Sakuno ang pangamba nito.

Na pansin nya ang ilan pang estudyante na palabas ng University at nakita ni An si Sora Minagi kaya agad nyang hinila si Sakuno at nag tago sa isang puno.

Pag lagpas ni Sora sa gate ay kinuha nito ang phone nya at may tinawagan.

Pina nood nila kung ano ang ginagawa ni Sora.

Mayamaya ay may tumigil na sasakyan at bumaba si Momo na ikinagulat nila An at Sakuno, kumaway si Momo kay Sora at naka ngiting lumapit si Sora kay Momo at sumakay ito sa sasakyan nya.

Prince Of Tennis: Sakura Hime-sama Story [RYOSAKU FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon