Chapter 6-Endangered Faces

76 2 0
                                    

Spring POV

Naglalakad ako sa hallway ng makita ko si Autumn.

"Walking megaphone!" Tawag ko sa kanya.Tumingin siya sa'kin pero hindi niya ako pinansin kaya tumakbo ako papunta sa kanya.

"Ang aga-aga ang sungit mo." Sabi ko agad sa kanya ng makalapit ako.

"Eh sa nakakabwesit yang pagmumukha mo eh." 'Tong gwapo kung mukha nakakabwesit.Langyang babae 'to.

"Spring!" Sabay kameng napatingin sa taong tumawag sa'kin at ayun nakita ko sa Ellah na nakangiting papalapit sa'min.Mabuti pa ang isa 'to.Palaging nakangiti.Di kagaya nitong kasama ko.Parang pinaglihi sa sama ng loob.

"Hi" Bati niya sa'min.Ngumiti ako sa kanya pero 'tong kasama ko tinaasan lang ng kilay si Ellah.

"Wag kang FC." Sabi niya kay Ellah at umalis na.Problema nun.

"Pagpasensyaan mo na yun Ellah,may saltik lang yun ngayon." Ako na ang humingi sa kanya ng dispensa.Bwesit na babae yun.

"Ok lang."

Sabay na kameng pumunta sa room namin.Pagdating namin nandun na ang mga kaibigan ko.

........

Autumn POV

Umagang-umaga binibwesit ako ng walking dead na yun.Mas lalo pa akong nabwesit dun sa Ellah na yun.FC ka girl FC.Peste! Hindi porki nagkakilala na kame eh,magfefeeling close na siya.Mukha niya...pangit!

Pabagsak akong umupo sa upuan ko.Badtriiiip!!!!! sarap nilang ingudngod sa kumukulong tubig.

"Hi"

Narinig kung may bumati sa'kin pero wala ako sa mood para tingnan siya.Paki ko naman sa kanya.

"Autumn." Dun na ako napatingin sa kanya.

O_O

"Thunder?!" Sigaw ko.Wahhh..bakit nandito ang gwapong nilalang na ito.Akala ko ba sa kabilang school siya magtatransfer.

"Para ka namang nakakita ng multo."

"Bakit ka nandito? Sabi mo sa kabilang school ka papasok?" Sunod-sunod kung tanong.

Si Thun,kaibigan namin ni Sam nung elementary days namin.Pagdating kase ng high school dun na siya  nag-aral sa province nila.Pero may communication pa rin kame.

"Isa-isa lang Autumn,una,dun talaga sana ako papasok sa kabilang school, pero nung nalaman ko na dito kayo nag-aaral ni Sam,pinaki-usapan ko si Dad na dito nalang din ako mag-aaral." Ay ang saya! Magkakasama na naman kame.

"Wahh...magkakasama na naman tayong tatlo!!" Sigaw ko habang nakayakap sa kanya.

"Hanggang ngayon,hindi ka pa rin nagbabago Autumn,ang hilig mo pa rin sumigaw." Sabi niya ng humiwalay ako sa pagkayakap sa kanya.

Ilang minuto naman dumating si Sam.Ganun din ang reaction ng gaga.

........

Sabay kameng lumabas ng room.Lunch break na kase.Yung mga babaeng nadadaanan namin grabe kung makatingin kay Thun.Psh! Dukutin ko mga eyeballs nila eh.

Pagdating namin sa cafeteria ganun din ang mga babae.

"Ngayon lang ba kayo nakakita ng gwapo?!" Sigaw ko sa kanila.Agad din naman silang nag-iwas ng tingin.

"Ang harsh mo talaga Autumn." Sabi ni Sam.Nagsalita ang hindi.

Sabay-sabay kameng pumunta sa counter.Pagkatapos namin umurder,bumalik na kame sa mesa namin.Sakto namang paglapag ko ng trey,pumasok sina Spring.Psh! Namimihasa na talaga ang Ellah na yan kakasama sa kanila.Wala ba siyang kaibigan dito?

HATERS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon