Summer POV
"Sam may gagawin ka ba ngayon?" Tanong sa'kin ni kuya.Nag-isip muna ako kung may gagawin ako ngayon.Pero parang wala naman.Wala kaseng pasok ngayon kaya nandito lang ako sa bahay.
"Bakit?"
"Samahan mo ako kina lola,bibisita ako dun." Sagot niya.
"Sure." Sagot ko.Bigla namang tumunog yung phone ko kaya kinuha ko at tiningnan ko kung sino ang nag-text.
From:Thunder
Sam,susunduin kita mamayang 3:00 pm.Wear some simi formal dress.
Napasapo nalang ako sa noo ko.Ang shunga ko.May usapan pala kameng gagala kame ngayon.
"Oh,bakit?" Nagtatakang tanong ni Kuya.
"May usapan nga pala kame nila Autumn kuya na pupunta kameng mall ngayon." Sagot ko.
"Tapos?" Tanong niya.
"Hindi nalang ako sasama sayo kuya,ikaw nalang muna pumunta kina lola." Sagot ko.
"Labo mo Sam." Sabi niya.Sorry.Sa nakalimutan ko eh.
................
"Thunder,bakit ba pinagbihis mo pa talaga kame ng simi pormal eh sa mall lang naman tayo pupunta?" Tanong ko.Naka-dress ako at kunting make-up na rin.Ganun din si Autumn.
"Basta." Sagot niya.Si Autumn naman tahimik lang na naka-upo.
"Hoy Autumn,ok ka lang?" Tanong ko sa kanya.Bigla naman siyang napatingin sa'kin.
"Ahh..oo..ok lang ako." Sagot niya
Bakit ang lungkot ng gaga? Ilang minuto huminto kame sa isang malaking bahay.Ay hindi mali.Isa itong mansyon.Labas pa lang ang ganda na.Akala ko ba sa mall kame pupunta.
"Nandito na tayo." Nabigla pa ako kay Thunder.Nakalabas na pala siya.Lumabas na rin ako pero si Autumn parang wala sa sarili.Kailangan ko pa siyang sigawan.Natauhan naman siya agad at lumabas na rin.
Pagpasok namin sa loob.Grabe ang daming tao.Ang sososyal pa.Ano bang meron?
"Thun,kaninong bahay ay iste mansyon 'to ?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kame.Di naman kase ito yung napuntahan namin dati na bahay nila.Malaki din yun.Pero mas malaki 'to.
"Sa'min." Sagot niya.Seryoso? Sa kanila talaga 'to? Yaman pala talaga nila.
Pagpasok namin sa loob mas namangha pa ako.Grabe ganda ng mga gamit nila halatang mamahalin.Mayaman kame pero mas mayaman talaga sila.
May lumapit sa'min na babaeng ka-edad ni kuya.Ang ganda niya."Sila na ba yung bisita mo Thun?" Nakangiting tanong sa kanya ng babae.
"Yes Ate." Ahh..siya pala yung ate niya.Never pa kase naming na meet ang ate niya.
"Hi i'm Krishna,Thunder's older sister." Nakangiti niyang pakilala sa'min.
"Ako po si Summer." Sabi niya.
"Autumn po." Pakilala din ni Autumn.
"Ohw,ikaw pala si Autumn,tama talaga ang kapatid ko maganda ka..i mean ang ganda niyo." Sabi ng ate ni Thun.Nakita ko siya ang sama ng tingin niya sa ate niya.
"I have go,my boyfriend is already waiting for me,enjoy lang kayo."Sabi niya at umalis na.
"Thun,anong meron? Bakit ang daming tao?" Sa wakas nagsalita na rin si Autumn.
Kanina pa kase siya tahimik.Kung hindi lang siya nagpakilala sa ate ni Thun,hindi pa siya magsasalita.
"Basta." Sagot niya at hinila kame sa garden nila.Kanina pa yang basta niya ha.Mamaya masasapok ko na talaga siya.

BINABASA MO ANG
HATERS (on going)
Teen FictionMaganda,gwapo,matalino, bobo,basagulero, masungit,maarte, maldita,wierd. Ito ang mga katangian ng magkakaibigang ito. Walang araw na hindi nag-aaway o nagtatalo. They hate each other but still...kaibigan pa rin ang turingan nila. Labo noh? Would...