Chapter 49-Nandito lang ako.

21 0 0
                                    

Autumn POV

"Hoy babae nagtext ba sayo si Sam kung bakit hindi siya pumasok ngayon?" Tanong ko kay Ellah.

"Hindi,sayo?"

"Magtatanong kaya ako kung nagtext siya sa'kin?" Pamimilosopo ko sa kanya.

"Autumn dali tingnan mo!" Sigaw niya habang hinahampas ako.Sige Ellah hampas pa.Mamaya ako naman manghahampas sayo.

Napatingin naman ako sa tinuturo niya.Bigla nalang ako napanganga sa nakita ko.

Naka-upo kase kame sa gitna nang field kaya kitang-kita yung mga pumapasok.

Tumayo at naglakad palapit sa kanila.

"Autumn,dito nalang tayo." Pigil ni Ellah sa'kin at hinawakan ang braso ko.

"Bitaw! Pag hindi mo ako binitawan,ikaw yung malilintikan sa'kin." Agad naman niya akong binitawan kaya naglakad na ako.Naramdaman ko namang sumunod siya sa'kin.

"Hi my dear pinsan!" Nakangiti kung bati kay Win.Napatingin naman ako sa kamay ng babaeng nakahawak sa braso niya."New toy?" Agad naman tumaas ang isang kilay ng bruha.Kiskisan ko yang kilay niya.Makikita niya.

"She's my girlfriend." Cold niyang sagot.

"Really?" Sagot ko.Lumapit ako kay Win at inayos ang collar ng uniform niya."Alam mo ba'ng nangangamoy basura dito." Nakangiti kung sabi at tumingin sa bruha.

"Autumn ano ba!" Sigaw ni Win kaya napalayo agad ako sakanya.Nakita ko naman yung bruha na tumawa.Sige tumawa ka lang.Panandalian lang yang tawa mo.

Naglakad na sila at nilampasan ako.

"Sabi ko naman sayo,wag muna sila pansinin eh."

Sinamaan ko agad ng tingin si Ellah."Pwede Ellah,manahimik ka! panu pag nakita yun ni Sam ha? Masasaktan na naman siya."

"Autumn,kahit hindi pa nakita yun ni Sam nasasaktan na siya.Ang cold kaya ni Win sa kanya."

Hindi na ako nagsalita pa.Tama naman siya eh.Balik na naman sa dati si Win.

................

Dex POV

Pagpasok ko sa tambayan.Bumungad agad sa'kin ang mga mukha nilang hindi maipinta.

Si Mark naka-upo sa sopa habang si Spring nanlilisik yung matang nakatingin kay Win.

"Hindi mo na ba talaga mahal si Sam?"

Napatingin agad ako kay Mark.Kahit nakatingin siya sa phone niya,alam ko kung sino yung tinatanong niya.

"Hindi na." Sagot ni Win.

"Ok.Edi liligawan ko nalang ulit si Sam."

"Edi ligawan mo."

"Tang*na! Parang laruan lang si Sam na pinagpapasahan niyo ha? F*ckingtip!" Sigaw ko sa kanila.

Nakakagag* na eh.May kapatid akong babae kaya hindi pabor sa'kin ang ginagawa nila.Aaminin ko dati akong playboy.Pero sabi ko nga dati pa at hindi na ngayon.

"Ikaw Win,bumalik ka lang dito nagkaganyan kana." Spring

"Ganito na ako dati pa." Sagot niya.

Biglang tumayo si Mark at may hinagis.Akala ko si Win ang target niya pero tang*na! Ang dart board pala.Sh*t! Ang folding knife niya yun ha!

"May balak ka ba na patayin ako Mark ha?!" Sigaw ni Win habang kinikwelyuhan si Mark pero tinawanan lang siya nito.

"Hindi ko gagawin yun Win." Sagot niya at kalmadong tinanggal ang kamay ni Win at nagtungo sa dart board saka tinanggal ang kutsilyo."Alam mo kung bakit? Kase magagalit si Sam sa'kin dahil mahal ka niya pero dahil ngayon sa ginagawa mo,sisiguraduhin ko sayo na mawawala kana sa puso niya.Gagawin ko ang lahat,mahalin niya lang ako."

HATERS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon