Chapter 19-Anak

34 1 0
                                    

Summer POV

"Sam,ok ka lang?" Tanong sa'kin ni Ellah.Oo nga pala magkaibigan na kame.Ok na rin naman sila ni Autumn.

"Oo." Tipid kung sagot sa kanya.

P.E kase namin ngayon kaya nandito kame sa field.Lumipat na rin siya sa section namin.

"Sure ka? Parang may problema ka eh."

"Oo,ok lang talaga ako Ellah." Sagot ko sa kanya.

"Hoy,anong nangyari sa inyong dalawa dyan? Parang kayong binagsakan ng mundo niyo?!" Sigaw sa'min ni Autumn.

"Wala!" Sabay na sagot namin sa kanya.

"Aba! Duet pa talaga kayo ha!" Sabi niya at tumabi sa'kin.

Ang kapal mukha ng babaeng yan,pagkatapos niyang awayin si Autumn,ngayon naman nakikipag-kaibigan na siya dito.

Tama ka girl,taas ng pangarap ng babaeng yan.

Sabihin niyo lang talaga isa siyang social climber.

Tumayo ako at lumapit sa mga babae na kung magbulungan ay dinaig pa ang bubuyog.

"Excuse me." Tumingin naman agad sila sa'kin.

"Bakit Sam?" Nakangiting tanong ng babaeng nasa gitna.

"Mga bubuyog ba kayo?" Sarcastic kung tanong.

"Anong ibig mong sabihin Sam?" Mataray niyang tanong.Sige lang tarayan mo lang ako.

"Kung makapagbulungan kase kayo,dinaig niyo pa ang mag bubuyog,ano ba'ng problema niyo?"

"Wala!"Ay ang kapal sigawan ba daw ako.

"Wala,pero kung makapagsalita kayo tungkol kay Ellah wagas ha? Wala ba kayong magawa sa buhay niyo?!" Sigaw ko rin sa kanila.Kala nila ha? Tumayo yung babaeng nasa gitna at lumapit sa'kin.

"Wala kang pakialam kung anong sasabihin namin tungkol sa kanya,ano namang problem mo?" Aba ang lola niyo ang tapang.

"Hoy babaeng mukhang paa,ang lakas ng loob mo na sigawan si Sam ha?!" Sigaw sa kanya ni Autumn.Nakalapit na pala sila sa'min.

"Ako mukhang paa,baka ikaw." Sabi sa kanya ng babae."Hindi porki pamangkin ka ng may-ari ng school natin eh pwede ka nang umasta na parang sino."

"Mabait ako sa mabait,pero ikaw,mabait ka ba?!" Sigaw ni Autumn.

"Tumigil na kayo!" Sigaw ko sa kanila."Ikaw babae ka." Turo ko sa babaeng mukhang paa daw sabi ni Autumn."Magdahan-dahan ka ng pananalita mo tungkol kay Ellah,bakit hindi na ba pwede magbago?!" Inirapan niya lang ako.Sarap kutusan ng babaeng 'to.

"Let's go girls,may mga pangit dito." Is she reffering to her self? Kapal niyang sabihin na pangit kame.Eh yung mukha nga niya parang iningudngod sa harina sa sobrang puti.

Aalis na sana sila ng hilahin ko ang buhok niya.

"Ouch! let me go!" Sigaw niya at tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa buhok niya.

"Ano ba talaga ang gusto mo Sam?!"

"Gusto ko,magsorry kayo kay Ellah."

"Are you crazy?Sinabi lang namin ang totoo." mataray niyang sagot.

"Anong totoo? na dakilang chismosa kayo? Kung makapagsalita kayo parang ang perfect niyo ha?!" Hindi na siya nagsalita at tiningnan niya lang ako ng masama.

"Subukan niyong pagchismisan ulit si Ellah,masasapak ko na talaga kayo!" Sigaw ko at hinila sina Autumn at Ellah.Pero humarap ulit ako sa kanila ng may maalala ako.

HATERS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon