Chapter 22-Reunion

26 1 0
                                    

Autumn POV

"Hi walking megaphone."

Arrggh!! Nakakainis na talaga ang Spring na'to.Nagka-ayos lang kame,balik na naman siya sa pang-aasar sa'kin.

Huminto ako sa paglalakad at tiningnan siya.

"Pwede ba Spring,wag mo sirain ang araw ko ngayon!"

"Pangit!"

Tang*na.Nang-iinis talaga siya.

"Hindi ka ba talaga titigil?" Naiinis na talaga ako.Bwesit!

"Menopausal megaphone."

Pigilan niyo ko,mapapatay ko talaga ang Spring na'to!!

"Pag-hindi ka titigil Spring,tatamaan ka talaga sa'kin." Pagbabanta ko pero ang bwesit,tumawa lang.

"Isip-bata."

"Pandak!!! Bwesit ka Spring,tamaan ka sana ng kidlat!" Sigaw ko sa kanya at naglakad na ulit.As if naman may kidlat ngayon.Pero sana magkakidlat nga at tamaan siya.

Pagpasok ko sa room nakita ko agad si Sam at Thun na nag-uusap.Ang aga yata ng lola niyo ngayon.

"Hi Autumn." Bati sa'kin ni Thun,ngumiti lang ako sa kanya at umupo sa upuan ko.

"Aga mo yata ngayon Sam?" Tanong ko.

"Masama na ba pumasok ng maaga ngayon?" Tanong niya.Inirapan ko lang siya.Namimilosopo na naman kase.

"Thun,bakit ngayon ka lang pumasok?" Baling ko kay Thun.

"Si Mama kase eh,pag-iniwan namin....sige nalang sa kakainom." Malungkot niyang sagot.

Nasaktan talaga si Tita sa paghihiwalay nila ni Tito.Bakit kaya ganun noh? Masaya na sila pero darating pa rin talaga ang panahon na makakaranas ng lungkot.Sana hindi mangyari samin ang ganun.

...............

Summer POV

Naaawa ako kay Thun.Yung nararamdaman niya ngayon ay parehong-pareho ng naramdaman ko nun ng iwan kame ni Mama.Pero thankful pa rin ako dahil kahit hindi man nagkabalikan ang parents ko atleast ok na rin kame.Masaya naman si Dad na kame lang yung kasama niya.

"Magiging ok rin ang lahat Thun." Pagcocomfort ko sa kanya.

Nandito na pala kame sa cafeteria.Lunchbreak na kase.Kinocomfort ko lang si Thun kase kanina pa siya malungkot eh.

"Kung makapag-advice ka Sam,parang sino ha?" Sinamaan ko agad ng tingin si Autumn.

Oo nga pala,hindi ko pa nasasabi sa kanila na ok na kame ni Mama.

"Ok na kame ni mama,Autumn." Sabi ko sa kanya.Nagtaka naman siyang tumingin sa'kin.

"Anong ok na Sam?" Tanong niya.

"Ok na kame ni Mama,nagkaayos na kame,humingi na siya ng tawad sa'kin." Nakangiti kung sagot.

"I'm so happy,sa wakas ok na kayo!" Sigaw ni Autumn at niyakap ako.Si Thun naman ang tahimik lang.Kumalas naman agad siya sa'kin at umupo.

"Thun,are you alright?" Nag-aalala kung tanong.Tumingin rin sa kanya si Autumn.

"Yeah,i'm fine.Happy rin ako na ok na kayo ng Mama mo." Sagot niya at ngumiti.Pero alam kung isang pilit na ngiti lang yun.

Hindi na ako nagsalita pa at kumain na rin.

................

"Sam lets go,samahan mo'ko mag-shopping." Yaya sa'kin ni Autumn habang nag-aayos ako ng gamit.Uwian na kase.

HATERS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon