Summer POV
Papasok na sana ako ng room ng tawagin ako ng pinsan ni Spring.
"What?" Tanong ko sa kanya.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Ano namang pag-uusapan namin.Yung tungkol sa kamalditahan niya? Tss!
"About what.bakit hindi mo nalang sabihin dito?" Iritado kung tanong.
"Hindi pwede,dun nalang tayo sa coffee shop malapit dito sa school." At talagang lalabas pa kame ng school ha? "Please." Dugtong niya.
Parang may sasabihin naman siyang importante kaya pagbibigyan ko nalang.Sisiguraduhin niya lang na maganda ang sasabihin niya dahil kung hindi,makakatikim talaga siya ng sapak.
...............
"Anong sasabihin mo?" Tanong ko agad sa kanya pagdating namin sa coffee shop.
"Sam,sorry.Sorry sa lahat ng ginawa ko sa inyo ng kaibigan mo." Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya.
Hindi ko rin naman alam na mag-sosorry siya.
"Kay Autumn ka dapat nag-sosorry,hindi sa'kin." Sagot ko.
"Pareho ko kayong nasaktan kaya ako nag-sosorry sayo." Nakikita ko sa mga mata niya na sincere siya sa mga sinasabi niya.
"Sam sorry talaga,alam ko mahirap maniwala na nag-sosorry ako ngayon sayo,pero ito lang yung alam kung gawin." Umiyak na siya pagkasabi niya nun.
Lahat tayo nagkakamali.Kaya sino naman ako para hindi siya patawarin.
"Apology accepted." Sabi ko kanya.Ngumiti naman siya sa'kin.
"Salamat Sam ha,promise hindi na gagawa ng masama."
"Napapako yung promise,kaya wag ka ng mag-promise,gawin mo nalang." Nakangiti kung sabi sa kanya."Pero kailangan mo rin mag-sorry kay Autumn,dun malaki ang kasalan mo." Dugtong ko.
"Dont worry,mag-sosorry ako sa kanya mamaya." Sabi niya.
Pagkatapos ng dramahan namin sa coffee shop na wala naman kameng inorder dun ay lumabas na kame at bumalik sa campus.
Pagpasok pa lang namin ng gate pinagtitinginan na nila kame.Alam ko naman kung bakit eh.Makikita ba naman nila ang isang Summer Rodriguez kasama ang naging kaaway niya dati na pinsan ni Spring.Syimpre magtataka talaga sila.
"Sam,alis na ako ha?" Paalam niya sa'kin at naglakad na siya papunta sa room nila.
Naglakad na rin ako papunta sa room ko.Pagdating ko dun nakita ko si Autumn.
Hindo ko alam kung papansinin ko siya o hindi.Pero mas minabuti ko nalang na hindi siya pansinin.
..........................
Autumn POV
Luch time na pero hindi ko nakikita sina Spring.
Hindi ko rin nayaya kanina si Sam kase mabilis siyang lumabas ng room.Si Thun na naman ang kasama ko ngayong naglalunch.
"Nag-away ba kayo ni Sam?" Napatingin ako kay Thun dahil sa tanong niya.
"Hindi bakit?"
"Napapansin ko,parang nag-iiwasan kayo ha?"
"Hindi naman,busy lang talaga siya ngayo." Pagsisinungaling ko.Parang naniwala naman siya dahil hindi na siya nagtanong ulit.
Pagkatapos naming magluch bumalik na ulit kame sa room namin.
Pagpasok namin dun nakita ko si Sam na nakatungo sa desk niya.Parang natutulog yata.
********
Winter POV

BINABASA MO ANG
HATERS (on going)
Novela JuvenilMaganda,gwapo,matalino, bobo,basagulero, masungit,maarte, maldita,wierd. Ito ang mga katangian ng magkakaibigang ito. Walang araw na hindi nag-aaway o nagtatalo. They hate each other but still...kaibigan pa rin ang turingan nila. Labo noh? Would...