Chapter 39-Brokenhearted

17 0 0
                                    

Summer POV

Pagmulat ng mga mata ko.Nahagip agad ng paningin ko si Spring na natutulog sa couch na nandito sa loob ng kwarto ko.

Ilang oras din pala akong nakatulog.Tumayo ako at nagpunta agad sa cr.Naghilamos lang ako dun at lumabas ulit.

Lumapit ako kay Spring."Spring wake up." Sabi ko habang niyuyog siya.Nagmulat naman siya agad ng mga mata niya.

"Anong oras na?" Tanong niya at umupo sa couch.

"Five pm na." Sagot.

Lumapit ako sa pinto at binuksan yun."Baba na muna tayo." Sabi ko sa kanya at tuluyan ng lumabas ng kwarto.Naramdaman ko namang sumunod siya sa'kin.

Pagbaba namin nakita namin sina Dad at Kuya na nakaupo sa living room.

"Dad." Tawag ko sa kanya.Napatingin naman siya sa'min ni Spring.

"Manang pakidala ng miryenda dito sa living room." Sigaw ni Dad at bumaling sa'kin.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Dad.

Umupo muna ako sa couch.Ganun din si Spring.

"Sabi ni Spring sa'kin sumakit daw ang ulo mo kaya umuwi."

Tiningnan ko agad si Spring dahil sa sinabi ni Dad.Nagsinungaling pa tuloy siya.Bumaling naman ako kay Dad.

"O-opo,pero ok na po ako Dad." Nag-aalangan kung sagot.Sandali lang dumating naman si manang at may dalang miryenda.

"Sam ok ka lang ba talaga?" Pag-aalalang tanong ni kuya habang kumakain ako.Tumango nalang ako sa kanya.Nagkatinginan nalang kame ni Spring.Alam naman kase namin na hindi yun ang dahilan.

.................

"Ano nang gagawin mo ngayong alam mo nang mahal ka ni Win?"

Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Spring.Nandito kame ngayon sa garden.Nagpabalik-balik lang ako ng paglalakad sa harap niya.

"Ano Sam?" Tanong niya ulit.

Huminto naman ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.

"Wala.Wala namang dapat baguhin diba? Sabi pa nga niya dati na strangers nalang ang turingan namin.Edi ipagpatuloy nalang namin yun." Sagot ko at umupo.Umupo naman siya sa tabi ko.

"Diba mahal mo Win?"

"Oo pero hindi na ngayon." Sagot ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka niyang tanong.

"Spring hindi ganun kadali ang magpatawad."

Kahit sino naman siguro diba hindi agad mapapatawad yung mga taong nangloko sa kanila.Mommy ko nga ang tagal kung napatawad.

"Pero Sam......."

"Spring please hayaan mo muna ako." Putol ko sa sasabihin niya.

Hindi na siya nagsalita ulit at ilang minuto din ng katahimikan ang namayani sa'min.

...................

Kinabukasan.Pumasok akong parang walang nangyari.Habang naglalakad ako sa hallway pinagtitinginan nila ako.

Dahil lang dun sa nagyari kahapon.Sayo ba naman magtapat ang isa sa pinakasikat na lalaki dito sa campus niyo.Tingnan natin kung hindi mawindang ang madlang pipol.

Pagpasok ko sa room nakita ko agad silang tatlo.

"Hi" Nakangiti kung bati sa kanila.Umupo agad ako sa upuan ko.Silang tatlo namang parang hindi makapaniwala sa inasta ko. Psh! Bahala sila.

HATERS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon