Chapter 25- Real Parents

42 1 0
                                    

Spring POV

Nandito na naman ako sa tambayan ko kapag gusto ko mapag-isa.

Alam niyo po muntik na akong mawalan ng kaibigan.Ang tanga din kase ni Win eh,hindi manlang nahalata na may balisong pala yung nakalaban niya.

Kung nandito lang po sana kayo,tsak makakatikim ako ng suntok at sermon galing sa inyo.

Kaya nga hindi ko masabi sa kanila ni Daddy Les at Mama Joyce na gangster ako dahil ayoko mag-alala sila sa'kin.

They treat me a real part of thier family.Masaya ako sa kanila.Masarap silang magmahal.

Naalala ko pa nung bata pa ako palagi nila akong hinahatid sa school.Nung nabuntis si Mama akala ko mag-iiba na yung treatment nila sa'kin pero mali pala ako.

Yung mga kaibigan ko naman alam nila ang tungkol dito.Sa school namin,kunti lang ang may alam.

Bakit kase iniwan niyo agad ako eh.Di niyo manlang ako nakitang lumaki.

Di niyo nakita yung kagwapohan ko.

"Spring!"

Napalingon ako sa taong tumawag sa'kin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya pagkalapit niya.

Ngumiti siya sa'kin at umupo sa tabi ko."Hello po.Alam niyo po ang pangit ni Spring ngayon kase umiiyak siya." sabi niya habang nakatingin sa tomb ng mga parents ko.

Totoo! Umiiyak ako ngayon.Si Sam at ang parents ko lang ang nakakakita nito.Yung totoo kung parents.

Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo.My parents passed away when i was a child.Mag-pinsan ang real Dad ko at ang Daddy Les ko.Walang kapatid si Dad kaya si Daddy Les ang kumupkop sa'kin.

Yung tunay na Spring wala na siya.Namatay siya nung two months old pa lang daw ito.

Nung pinanganak pa lang daw siya ni Mama Joyce.Nagkaron daw ito nang kumplekasyon sa puso.Yun lang ang huling sinabi sa'kin ni Mama dahil hindi ko na siya pinatapos nun sa pagkukwento.

Five months naman ako nung iwan ako ng parents ko sabi ni Daddy Les.Namatay sila sa car accident at maswerte daw ako dahil nabuhay pa ako.Pinalitan lang nila ang pangalan ko at hindi nila ako in-adopt.

Hindi Spring ang totoo kung pangalan kundi Caleb Reyes.

Pinalitan nila ito para daw mabuhay ang alaala ni Spring.

Hindi naman ako galit sa kanila dahil dun.Masaya pa nga ako eh.

"Hoy Spring!"

Pagharap ko kay Sam hinawakan niya agad ang mukha ko at pinahid ang luha sa mukha ko.

"You look like an idiot when you cry, so stop crying na little boy."

Natawa ako sa kanya.Alam ko namang binibiro niya lang ako.

Pinilig niya ang ulo niya sa balikat ko kaya inakbayan ko siya.

"Nakita mo na naman akong umiyak."

"Bakit? Masama ba na makita kang umiyak.Mas maganda nga yun eh para gumaan ang pakiramdam mo,hindi naman nakakabakla yun."

"Sam bakit ganun siya? Ginawa ko lang naman yun dahil pinoprotektahan ko siya eh."

"Diba sabi ko hayaan mo nalang muna siya."

..................

Nandito na ako sa bahay.Pagpasok ko sa loob nakita ko si Mama na naka-upo sa couch sa living room namin.

"Ma." tawag habang naglalakad palapit sa kanya.

"San ka galing?" humalik sa ako sa cheeck niya.

"Sa cemetery." sagot ko at umupo sa couch.

"May problema ba?"

Oo meron.Pero hindi muna kailangan malaman."Wala ma." sagot ko.

"Kilala kita Spring."

Wala talaga akong takas sa nanay kung 'to.

"Nag-away na naman po kame ni Autumn."

"Kakabati niyo lang.Nag-away na naman kayo." pailing-iling niyang sabi.

"Hindi maiwasan ma eh."

"Baka may gusto ko lang sa kanya."

"No way Mom." diritso kong sagot.

Ngumuti siya sa'kin."Ang deffinsive." sabi niya.

"Ma akyat lang po ako." paalam ko saka naglakad sa taas.

Papasok na ako sa kwarto ng makita kong nakabukas ang pinto ng study room.

Lumapit ako dun para isara ang pinto ng mapansin kung nasa loob para ang kapatid ko.

"What are you doing Lex?"

Napatingin siya sa'kin at ngumiti.

"Look kuya,si kuya Spring po nung baby pa siya." masigla niyang sabi habang pinapakita sa'kin ang baby pic ng totoong Spring.

"Ang pogi parang ikaw." sagot ko ginulo ang buhok niya.

Umupo siya sa couch at nagpangalumbaba."Kuya panu kong hindi nawala yung totoong kuya ko.Magiging ganito kaya tayo ka close?" malungkot niyang tanong.

Lumapit sa kanya at umupo sa sahig habang nakasandal sa couch."Perhaps! Mag-pinsan naman tayo eh." sagot ko.

Tumayo siya at tumabi sa'kin."Ang bait ni god kuya noh? Kase kahit nawala sa'min ang totoo kung kuya pero nandito ka naman."

"Oo...mabait talaga si God,kase kahit wala na akong pamilya.Nandito kayo para sa'kin."

Tiningnan niya akong nakakunot-noo."Kuya ok lang ba sayo na pinalitan ang pangalan mo?"

Tumingala ako para pigilan ang paglaglag ng luha ko.Ang bading ko.Naiiyak na naman ako.

"Oo naman...masarap nga sa pakiramdam tuwing tinatawag mo akong kuya Spring."

"Siguro kuya magkasama na ngayon sa heaven si kuya tsaka parents mo." natawa ako sa sinabi niya.

"Oo..mababait sila,kaya dun sila babagsak.Kaya ikaw magpakabait ka.Wag mo palaging inaaway si Dessy."

"Hindi ko naman siya inaaway..siya nga 'tong nang-aaway sa'kin eh." nakasimangot niyang sagot.

......................

Nakatingin lang ako sa kisame habang nakahiga sa kama ko.

Hindi ko mapigilan ang mapa-isip.Panu kung hindi nga namatay ang totoong Spring? Magiging ganito kaya ako kasaya? Yung may pamilyang tinurin kang tunay nilang anak.Yung may mga kaibigan kang parating nandyan para sayo.

Lahat ng meron ako ngayon ay utang ko sa totoong Spring.

HATERS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon