Sam POV
"Ouch! Bakit ang sakit ng ulo." Sabi ko habang hinahawakan ang ulo ko.
Bigla naman bumakas ang pinto at pumasok si Spring na may dalang trey.
Inilapag niya ang trey sa table at umupo sa gilid ng kama.
"Masakit ulo mo?" Tanong niya,tumango lang ako sa kanya.
Grabe sakit talaga ng ulo ko.Parang binibiyak eh.Kinuha naman si Spring ang trey na may lamang pagkain at inilagay sa kama.
"Kumain ka muna,para maka-inum ka nang gamot." Sabi niya.Hindi na ako nagsalita at kumain nalang.
"Panu nga pala ako napunta dito sa kwarto ko?" Tanong ko ng makailang subo na ako.
"Lasing na lasing ka,kagabi kaya binuhat ka ni kuya papasok dito." Sagot niya.
Bakit parang may iba ngayon kay Spring.Ang seryoso kase ng mukha niya.
"Are you ok?" Tanong ko.
"Yeah." Tipid niyang sagot.
Pinagpatuloy ko nalang yung pagkain ko hanggang sa maubos ko lahat.
"Inumin mo 'to." Sabi niya sabay abot sa'kin ng gamot."Para yan sa hang over."
Kinuha ko yun at ininum.Parang may iba talaga sa kanya ngayon eh.
"Spring sure ka ba talagang ok ka lang?" Tanong ko ulit.
Kinuha niya ang trey at tumayo na at naglakad papunta sa pinto.
"Oo." Sagot niya at sinara ang pinto.
Sumandal ako sa headboard ng kama.Alam kung may mali sa kanya.Anong ba ang nangyari kagabi? wala na kaseng akong matandaan eh.
Tumayo ako sa kama at pumunta sa cr para maligo.Pagkatapos kung maligo bumaba na ako.
Walang tao sa loob kaya lumabas ako.Paglabas ko nakita ko si Lola.
"La,sina Kuya at Spring po?" Tanong ko.
"Ay ikaw na bata ka.Bakit ka uminum ha?" Napakamot nalang ako sa ulo ko.
Iba yung tanong ko sa kanya.Iba naman ang sinagot niya.
"Kagabi lang naman La eh." Sagot ko."San pala sila La?"
"Ay nandun sa plaza,nakikipaglaro sa mga tambay." Sagot ni Lola.
"Pupuntahan ko po sila La."
"Eh alam mo ba kung saan yun?" Napakumot ulit ako sa ulo ko.
"Hehehe...hindi po." Natatawa kung sagot.
"Inday!" Sigaw ni Lola.
Lumapit naman agad sa'min yung kasambahay ni Lola.
"Bakit po?" Tanong nito.
"Samahan mo itong apo ko sa plaza." Sagot ni Lola.
................
"Ate malayo po ba yung plaza dito?" Tanong ko habang naglalakad kame.
"Hindi naman,malapit na tayo Ma'am." Sagot niya.
"Sam nalang itawag mo sa'kin." Sabi ko.Ngumiti naman siya sa'kin.
Nahihiya yata siya.Parang magkasing-edad lang naman kame eh.
"Nag-aaral ka ba?" Tanong ko.
"Opo." Magalang niyang sagot.
"Anong year kana?"
"Second year high school pa lang po.Huminto po kase ako sa pag-aaral at pumasok bilang kasambahay sa lola niyo."

BINABASA MO ANG
HATERS (on going)
Teen FictionMaganda,gwapo,matalino, bobo,basagulero, masungit,maarte, maldita,wierd. Ito ang mga katangian ng magkakaibigang ito. Walang araw na hindi nag-aaway o nagtatalo. They hate each other but still...kaibigan pa rin ang turingan nila. Labo noh? Would...