Chapter 50-Girlfriend

17 0 0
                                    

Summer POV

Akala ko pagkatapos nang pagkukulong at pag-iiyak ko kahapon sa kwarto ay magiging ok na ako.Pero maling-mali pala ako.

Nasasaktan na naman ako sa nakikita ko ngayon.Si Ky may kalandiang babae sa bench.

Hinawakan ko nang mahigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng bag ko.Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang paglalakad.Kailangan kung magpakatatag kundi ako lang din ang masasaktan.

Lalagpasan ko na sana sila pero may biglang tumawag sa'kin kaya saktong-sakto ang paghinto ko sa tapat nila Ky.

"Sam!"

Tiningnan ko yung tumawag sa'kin.Nakita ko si Mark na nakangiting papalapit sa'kin.

"Hatid na kita sa room niyo." Sabi niya at kinuha ang ang bag ko.

Napatingin ako kay Ky.Ang sama ng tingin niya kay Mark.

"Let's go."

Napatingin agad ako kay Mark."Tara." Sagot ko at naglakad na kame papunta sa room ko.

"Bakit hindi ka pumasok kahapon?" Panimula niya.

"Masama yung pakiramdam ko." Sagot ko."Nga pala Mark,sino yung kasamang babae ni Ky?"

Nakita kung nag-iwas agad siya ng tingin.

"Mark." Tawag ko sa kanya dahil hindi niya pa rin ako pinapansin.

"Girlfriend niya." Sagot niya nang hindi nakatingin sa'kin.

Napahinto agad ako sa paglalakad.Girlfriend niya? May girlfriend na naman siya?

"Sam sorry."

Tiningnan ko agad si Mark at ngumiti."Hindi mo naman kailangan humingi ng sorry eh,sinagot mo lang yung tanong ko." Sagot ko at nagsimula na ulit maglakad.

Hindi na kame nag-usap pa hanggang makarating kame sa room ko.

"Thanks sa paghatid Mark." Sabi ko at kinuha ang bag ko sa kanya.

"Sige Sam,alis na ako." Sabi niya at umalis na.Pumasok na rin ako sa room.

"May problema ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Wala!" Sabay nilang sagot.

*pak*

*pak*

"Aray Sam." Sabay nilang reklamo.Binatukan ko lang naman sila.

"Wala kayong problema pero yung mga mukha niyo daig pa ang nanalo sa beauty pageant." Asik ko sa kanila.

"Ikaw na magsabi Ellah." Sabi ni Autumn.

"Bakit ako,ikaw nalang." Reklamo ni Ellah.

"Ano ba'ng sasabihin niyo ha? at nagtutulakan pa kayo?" Asik ko ulit.

"Si Win......"

"Alam ko." Putol ko kay Autumn.Nagkatinginan naman sila ni Ellah.

"Sam." Bakas sa boses ni Autumn ang pag-aalala.Hinawakan ko yung kamay niya at ngumiti.

"Ok lang ako Autumn.Wag na nating ipilit ang bagay na hindi na pwede." Sabi ko sa kanya at umayos ng upo.

Yun naman talaga ang dapat diba? Wag na natin ipilit ang mga bagay na alam nating malabo nang mangyari.

...................

Mark POV

Lunch time na.Pagkarinig ko pa lang kanina ng bell.Lumabas na agad ako ng room.

HATERS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon