Summer POV
"Sam,open the door!"
Kanina pa sumisigaw si kuya sa labas ng room ko pero hindi ko pa rin siya pinagbuksan.
Hindi na rin ako pumasok ngayong araw.Kagabi pagpasok ko dito hindi na ako lumabas pa.
"Sam open this f*cking door!"
Naka-upo lang ako sa gilid ng kama ko at umiiyak.Nasasaktan ako sa mga nalaman ko kagabi.
"Manang kunin niyo yung duplicate key dali!" Sigaw na naman ni kuya sa labas.
Naaawa ako para kay Dad.Alam kung mahal niya si Mama.Pero yung nanay ko hindi manlang minahal ang tatay ko.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero hindi ko pinansin yun.Niyakap ko nalang yung nga binti ko habang umiiyak.
"Sam."
Tumunghay ako para makita ko yung tumawag sa'kin at nakita ko si kuya na naka indian set sa harap ko.
Medyo mahapdi na yung mata ko kakaiyak.Hinahabol ko na rin yung paghinga ko.
"Sam tama na,kapag nakikita ka naming ganito mas lalo lang kameng nasasaktan." Malungkot niyang sabi.
"Kuya bakit kailangan pa mangyari 'to sa'tin?" Tanong ko.
"You need to face the truth na kahit anong gawin natin,hindi na talaga tayo babalik sa dati."
"Kuya naaawa ako kay Dad."
"Alam ko Sam,pero may mga bagay talaga na dapat nalang natin tanggapin....alam ko mahirap,pero kailangan eh."
Nakikinig ako sa mga sinasabi ni kuya.Hindi ko na magawang magsalita dahil hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko.
"Hindi ka ba masaya na kame ang kasama mo ngayon? Nandito kame ni Dad,yung mga kaibigan mo,we're always here for you Sam dahil mahal ka namin."
Kung iisipin ko,masaya naman ako na sila ang kasama ko ngayon.
"Nandyan si Mom sa baba.Talk to her,magiging maayos rin ang lahat Sam.Sabi niya at tinulungan akong tumayo.
"Wag ka nang umiyak,para kang batang uhugin." Natawa nalang ako sa sinabi niya.
Sabay kameng lumabas ng room ko.Kinabahan naman ako bigla ng makita ko si Mama na naka-upo sa living room namin.
Inalalayan naman ako ni Kuya na umupo.Pagtingin ko kay Mama nakaramdam naman ako bigla ng hiya dahil sa mga nasabi ko sa kanya.Time na ba talaga na dapat na akong mag move-on? Dapat ko na ba talagang tanggapin na ganito na talaga kame?
"Summer." Tawag sa'kin ni Mama.
"Ma,sorry sorry." Umiiyak kung sabi.
Lumapit sa'kin si Mama at pinunasan ang mga luha ko.
"Wala kang kasalanan,naiintindihan kita kung bakit mo yun nasabi." Umiiyak na rin siya. Niyakap ko nalang si Mama.
Ngayon ko nalang ulit siya nayakap.Nakakamiss din pala ang yakap ng isang ina.Kumalas sa'kin si Mama at tiningnan ako.
"Ang laki ng nang princess ko." Nakangiti niyang sabi.
Mas lalo lang akong naiyak.Nung bata pa ako palagi niya akong tinatawag na princess at prince naman si Kuya.
"Pwede ba akong sumali sa inyo?" Tiningnan agad namin si kuya.
"Oo naman." Sagot ko.Lumapit agad siya sa'min at niyakap kameng dalawa ni Mama.
"Sa wakas ok na rin tayo." Sabi ni Kuya.
"Kahit ganito ang nangyari sa'tin, pamilya pa rin tayo." Sabi ni Mama.Wala ngayon si Dad,dahil maaga siyang pumasok kanina sa company namin.
Nagkwentuhan lang kame ng ilang oras at umuwi na rin si Mama.Gumaan ang pakiramdam ko ngayon.
Parang bumalik na ako sa dati.Yung Summer na walang tinatago sa sarili.Yung Summer na masaya lang palagi.Sana ganito nalang talaga ako.
.................
"Hoy,ngingiti-ngiti mo?" Tanong ni Kuya.
"Masaya lang ako kuya."
"Diba ang sarap sa pakiramdam pag wala kang kinikimkim na sama ng loob dyan sa puso mo."
"Oo,kuya salamat ha?"
"Para saan?"
"Dahil dun sa mga sinabi mo.Dun lang ako natauhan."
"Mahal kita,kaya ko yun ginawa,nasasaktan ako Sam tuwing nakikita kitang nasasaktan."
"Ma'am Sam may bisita po kayo." Sabi nung katulong namin.
"Sino daw po?" Tanong sa kanya ni Kuya.
"Mark daw po Ma'am." Sagot niya.
Tiningnan naman ako ni Kuya ng sino-si-Mark look?
"Sige po Manang papasukin niyo." Sagot ko at umalis na siya.Tiningnan ko naman si Kuya.
"Schoolmate ko,kaibigan nila Ky yun." Sabi ko kay kuya.
"Schoolmate o manliligaw?" May pang-aasar sa tono niya.
"Schoolmate!" Sigaw ko.
Ilang minuto naman nakita ko nang paparating si Mark.Nandito kase kame sa garden namin.Hindi na rin pumasok ngayon si kuya dahil sinamahan niya ako sa bahay.
"Upo ka Mark." Sabi ko sa kanya ng makalapit siya sa'min.
Tiningnan ko naman si Kuya,nakakunot-noo siya.
"Nabisita ka Mark?" Tanong ko.
"Nalaman ko kase na hindi ka pumasok kaya pinuntahan kita dito sa inyo."Sagot niya.
"Ahh..oo,may importante lang kase akong ginawa." Pasimpli kung tiningnan si kuya.Ang sama ng tingin niya kay Mark.
"Ahh Mark,kuya ko pala,si Kuya Aldin." Pakilala ko sa kanya.Ngumiti lang siya kay kuya.
"Kuya si Mark,schoolmate ko." Tumango naman si Kuya.
"Sam,alis na muna ako,ikaw na bahala dyan sa bisita mo." Paalam ni kuya at umalis na.Kameng dalawa nalang dito ni Mark.
"Parang ayaw sa'kin ng kuya mo." Sabi niya.
"Wag muna yun pansinin,ganun lang talaga yun." Sagot ko sa kanya.
Minsan kase ganun lang talaga si kuya lalo na kung ngayon lang niya nakita.
"Nalaman ko pala Sam na may nakaaway daw kayo kahapon." Sabi niya.
"Oo,kapal din kase ng mga babaeng yun,akala mo kung sino kung makapanghusga."
"Wag niyo lang pansinin yun,mga walang magawa lang yun sa buhay." Nakangiti niyang sagot.
May napansin naman ako sa bandang dibdib niya.Naka unbutton kase yung dalawang butunis ng uniform niya.
"Oy,oy Sam anong ginagawa mo?" Reklamo niya ng hawiin ko ang polo niya.
"Black knife." Basa ko dito.Tiningnan ko naman si Mark parang namutla siya bigla.
"Bakit may ganyan kang tattoo Mark?" Tanong ko sa kanya.Ngayon naman parang maayos na ang mukha niya.Hindi na siya numumutla.Ang bilis niyang magpalit ng reaction ha?
"Wala,parang maganda kase,kaya nagpatattoo ako." Sagot niya.
Yung tattoo niya talaga ay isang snake,tapos may nakalagay dito na black knife.
"Diba hindi pwede sa school natin ang may tattoo."
"Hindi naman nakikita eh.Sige Sam,alis na ako ha? Mag-gagabi kase."
Hinatid ko si Mark sa labas.Nasa labas kase yung kotse niya.
"Ingat Mark." Sabi ko sa kanya at pumasok na siya sa kotse niya.
Pumasok na rin ako sa loob.Bigla ko nalang naalala.Parehong-pareho sila ng tattoo ni Ky.Nakita ko rin na may tattoo si Ky sa may bandang dibdib niya pero hindi ko nalang pinansin yun.
Bakit pakiramdam ko may tinatago sila? Anong meron sa tattoo nila?
BINABASA MO ANG
HATERS (on going)
Novela JuvenilMaganda,gwapo,matalino, bobo,basagulero, masungit,maarte, maldita,wierd. Ito ang mga katangian ng magkakaibigang ito. Walang araw na hindi nag-aaway o nagtatalo. They hate each other but still...kaibigan pa rin ang turingan nila. Labo noh? Would...