Chapter 34-I love him

13 1 0
                                    

Spring POV

"Gag* sigurado ka ba talaga na liligawan mo si Sam?" Sigaw ko kay Mark.

Panu ba naman.Nagpaalam na siya kahapon kay Sam na manliligaw siya.Itong si Sam naman pumayag.Alam naman natin kung sino ang mahal niya.Ano 'to gaguhan?

Ito pa pala.Si Win at ang pinsan ko mag-on na.Ano naman kayang susunod na mangyayari? Mamaya mahirang pa akong presidente nito kahit hindi ako tumakbo.

"Oo." Tipid niyang sagot.

Agad ko naman siyang tiningnan ng masama."Bakit?"Tanong ko.

"Tang*na pare kase mahal ko si Sam!"Sigaw niya.

Lumapit ako sa kanya at kinwelyuhan siya."Patuyan mo yang pagmamahal mo Dela Fuente dahil oras na malaman kung niloloko mo lang si Sam....ako mismo ang maghuhukay ng libingan mo!" Nanggagalaiti kung sabi sa kanya.

"Wag kang mag-alala,hinding-hindi mangyayari yun." Sagot niya at tinanggal ang kamay ko.

"Bakit ganyan ka nalang kung protektahan si Sam Spring? Nagseselos ka ba?" Napatingin kameng lahat kay Win na biglang nagsalita habang nakatingin sa phone niya.

"Hindi ako nagseselos,pinuprotektahan ko lang yung hindi kayang protektahan ng iba dyan." Bigla siyang huminto sa pagkalikot ng phone niya at tumingin sa'kin.

"Anong ibig mo'ng sabihin?" Galit niyang tanong.

"Tang*na pare,hindi ko gusto yang titigan niyo,Spring labas na muna tayo." Sabi ni Dex at hinila ako palabas ng tambayan.

"Sh*t pare,ano na naman ba yun ha?" Asik niya agad sa'kin paglabas ng tambayan.

"Wala." Tipid kung sagot habang naglalakad kame.

"Ano ba'ng nangyayari sa inyo ha? Ang labo niyo eh." Sabi naman niya.Patuloy lang ako sa paglalakad at hindi siya pinansin.Wala ako sa mood ngayon para makipag-argue sa kanya.

I need to find Sam.Kaya papunta ako ngayon sa room nila.Baka nandun na siya.

Pagdating ko sa room nila agad akong pumasok.Nakita ko naman siyang naka-upo kaya nilapitan ko agad siya.

"We need to talk." Sabi ko at hinila siya palabas.

Nagtaka namang tumingin sa'min sina Autumn pero hindi ko nalang sila pinansin.

"Ano naman ba Spring?!" Sigaw niya pero tuloy pa rin ako sa paghila sa kanya.

Nang makarating kame sa likod ng building agad kung binatawan ang braso niya.

"Bakit mo pinayagan si Mark na ligawan ka?" Galit kung tanong sa kanya.Nakita ko naman ang pagkabigla sa mukha niya pero agad din siyang nakabawi.

"Ano naman ngayon kung binigyan ko siya ng chance?"

"Sam alam natin kung sino ang mahal mo!" Sigaw ko sa kanya.

"Pero Spring may girlfriend na yung tao eh,kelangan kung pigilan yung nararamdaman ko para sa kanya." Malungkot niyang sagot.

"Ano? Gagawin mong siyang panakip-butas?"

"Hindi.Gagawin ko ang lahat para mahalin din siya."

"Sam hindi mo pwedeng pilitin yang sarili mo na mahalin ang isang tao."

"Anong gusto mo? I-focus ko yung sarili ko kay Ky.Spring kelangan ko rin libangin sa ibang bagay yung sarili ko.Hindi pa naman kame ni Mark eh.May pagkakataon pa'ng mas makikilala ko siya.Hindi natin alam.Baka mahalin ko rin siya."

Hindi na ako nagsalita pa.May point naman siya eh.Walang imposible.Kaya hahayaan ko nalang siya kung anong gagawin niya.

.....................

Autumn POV

Nagmamadali akong bumalik ng room namin.Kanina nung hinila palabas ni Spring si Sam.Sinundan ko sila hanggang sa huminto sila sa likod ng building.Nagtago lang ako dun habang nakatingin sa kanila habang nagtatalo.Pero hindi ko naman sinasadyang marinig ang mga pinag-usapan nila.

Mahal ni Sam si Win.Bakit kay Spring niya sinabi at hindi sa'kin.Hindi ba niya ako kayang pagkatiwalaan?

Pagdating ko sa room ilang minuto naman dumating si Sam.Nakangiti pa siyang pumasok na parang walang nangyari sa kanya.

Stupid girl.Sabi ko sa sarili ko.Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maka-upo siya.

Agad naman siyang tumingin sa'kin na parang nagtataka.

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya.

Wala kang dumi pero may kasalan ka sa'kin.Bakit hindi mo sinabi sa'kin na mahal mo pala si Win?

"Wala." Tipid kung sagot at tumingin sa harap.

"Sam ok ka lang?" Boses ni Thun.

"Oo." Tipid niyang sagot dito.

Nakita ko sa pheriperal view ko na tumingin siya sa'kin.

.............

Lunch time na.Agad kung niligpit ang gamit ko at tumingin kina Thun.

"Thun,Ellah...kayo nalang muna ang sabay maglunch.May pag-uusapan lang kame ni Sam.Tumango lang sila sa'kin at sabay na silang lumabas.

"Anong pag-uusapan natin Autumn?" Tanong niya.

"Sumunod ka sa'kin." Sagot ko at nagsimula ng maglakad.

Naramdaman ko namang sumunod siya sa'kin.Pagpasok namin sa music room agad kung sinara ang pinto.

"Totoo ba Sam?" Kalmado kung tanong sa kanya.

"Ang ano?"

"Na mahal mo Win?"

Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Hindi." Sagot niya at tumalikod sa'kin.

Aalis na sana siya pero hinawakan ko ang braso niya at pwersahang iniharap sa'kin.

"Ano maglilihim ka sa'kin.Sam kaibigan mo ako.Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?" Malumanay kung sabi sa kanya.

"Autumn hindi naman totoo yun eh.Sino ba kase ang nagsabi sayo?" Natawa nalang ako sa sagot niya.

"Narinig ko mismo Sam.Sinundan ko kayo kanina ni Spring sa likod ng building.Ngayon ipagkakaila mo pa ba?" Nakita kung napapalunok siya.

"Ano Sam?!" Sigaw ko.

"Yes! I love him." Sagot niya.

"So mas pinagkakatiwalaan mo pa si Spring kesa sa'kin?" Nakita kung napaiyak siya dahil sa sinabi ko.

"Hindi Autumn." Sagot niya habang umiling-iling.

"Pero nasa......"

"I was drunk that time,hindi ko sinasadyang aminin yun sa kanya.Silang dalawa ni kuya ang nakakaalam nito." Umiiyak niyang sagot.

"Umiinum kana pala ngayon?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Gusto ko lang tikman yung iniinum nila ni Kuya pero napadami yung nainum ko kaya nalasing ako." Umiiyak pa rin siya.

"Kailan mo lang siya minahal?"

"Hindi ko alam." Sagot niya.

"Panu si Mark."

"Gagawin ko ang lahat para mahalin siya."

"Wag mo siyang gawing panakip-butas."

"Alam ko Autumn.Hindi ko gagawin yun." Sagot niya at pinahid ang luha niya.Lumapit ako sa kanya niyakap niya.

"No matter what happen.I'm always here for you Sam." Sabi ko habang hinahaplos ang likod niya.

"Autum sorry kung minahal ko ang pinsan mo." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan siya.

"Wala kang dapat ihingi ng tawad.Hindi mo naman kasalanan kung minahal mo siya diba?" Sabi ko.

Siya naman umiiyak pa rin.

Ito na yung kintatakutan ko.Hindi naman bawal mahalin si Win pero alam ko kaseng masasaktan lang si Sam.Masakit makita na yung kaibigan mo nasasaktan.



HATERS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon