Chapter 9 - Warfreak

47 1 0
                                    

Autumn POV

"Ayos ka na ba Sam?" Tanong ko sa kanya.Panu ba naman sumakit daw yung tiyan niya,kaya maaga siyang umuwi kahapon.

"Hindi naman talaga sumakit yung tiyan ko kahapon eh,nagsinungaling lang ako."Sagot niya. Sh*t na mapait.Nag-alala pa naman ako sa kanya yun pala umaarte lang siya.

"Ayos ka din Sam noh?"

"Sorry na,may pinuntahan lang kase ako kahapon."

"Sino?" Nagtataka kung tanong.

"Si Ky,hindi na daw kase siya pumasok nung hapon." Sagot niya.

"May gusto ka ba kay Win? Magsabi ka nga ng totoo."

"Wala noh,nag-aalala lang talaga ako,kaibigan naman natin siya ha." Sagot niya.Indenial queen ang peg ni Sam.

"Ohws?" Pang-aasar ko sa kanya.

Hindi na ako pinansin ng gaga.Bakit ba ang tagal ng teacher namin?

"Hi!" Bati sa'min ni Thunder na kararating lang.Pinatawag kase siya kanina ng coach nila.Oo nga pala,pasok na siya sa baskeball team.Galing naman kase niya maglaro.

"Tara,cafeteria tayo,mukhang hindi na dadating yung teacher natin." Yaya niya.Tumango lang ako sa kanya.

"Sam tara,cafeteria tayo." Yaya ko kay Sam.Pero ang gaga tulaley.Ano naman kaya ang iniisip niya?

"Hoy Sam!" Sigaw ko.

"Push mo pa yang sigaw mo Autumn." Sabi niya.

"Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka nakikinig,anong hitsura ng pluto Sam?" Sarcastic kung tanong sa kanya.

"Maganda,gaya ko." Sarcastic niyang sagot at nauna ng naglakad.Problema nun?Nagkatinginan nalang kame ni Thunder at sumunod sa kanya.

...........

"Problema mo Sam?" Tanong ko habang naglalakad kame patungo sa mesa namin.

Nilapag ko yung trey na dala ko at umupo."Wala." Sagot niya.Yan ba ang wala.Psh!

Wala pa masyadong tao sa cafereteria kase may klase pa yung iba.

"May gagawin ba kayo bukas?" Tanong ni Thunder.Oo nga pala sabado na bukas.

"Wala naman,bakit?" Tanong ko.Si Sam naman tahimik lang na kamakain.

"Gala tayo bukas." Sagot niya.

"San?" Ay ang bilis nakasagot ng gaga.Akala ko hindi na talaga siya mag-sasalita.

"Mall lang tayo." Sagot ni Thunder."Ano payag kayo?" Dugtong niya.

"Oo naman." Nakangiting sagot ng gaga.

Ilang oras.Dumadami na ang tao sa cafeteria.Kame naman tapos ng kumain at naka-upo lang kame ngayon.

"Hi Sam,Autumn." Bati sa'min ni Ellah.Kasama na naman niya sina Win."Oo ng pala Sam,ang sarap ng pancake na niluto mo kahapon." Dugtong niya at pumunta na sila sa mesa nila.Psh! Namimihasa na ang babaeng yun kakasama sa kanila ha.

Tiningnan ko naman si Sam.Nakatungo lang siya.

"Hoy Sam,anong pinagsasabi niyang pancake?" Tumingin naman siya sa'kin.

"Ah,ano..pumunta kase sila kahapon kina Ky." Sagot niya.

"Anong connect nun sa pancake?" Naguguluhan kung tanong.Labo naman kase ng sagot niya.Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Diba nga,nagpunta ako kahapon kina Ky,pagpunta ko dun,tinanong ko siya kung kumain na ba siya,sagot niya hindi pa raw,kaya ayun nagluto ako ng pancake,ilang oras naman dumating si Spring kasama si Ellah,ngayon alam mo na kung anong connect?" Ay ang haba ng sagot ng loka.Speechless ako teh kaya tumango nalang ako sa kanya.

HATERS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon