Chapter 26-Yes,i love him.

27 1 0
                                    

Summer POV

"Autumn listen to me!" Sigaw ko sa kanya.Agad naman siyang tumingin sa'kin.

Lunch na kase.Kanina ko pa siya sinusubukan na kausapin pero hindi niya ako pinapansin.

Si Thun naman hindi pumasok ngayon.Dahil na naman siguro kay Tita.

Kahapon hinatid lang ako ni Spring sa bahay at umuwi na rin siya agad.

"Listen? For what Sam?" Galit niyang tanong.

"Autumn sorry,si Spring naman kase talaga ang naka-isip nun eh."

"Pero may mali ka rin Sam eh,kinunsinte mo pa siya."

"He cares for you Autumn,kaya niya ginawa yun,hindi mo rin siya masisisi kase hindi naman sila gaano magkakilala ni Spring eh."

"Kahit na Sam."

"Ayaw ni Spring na nalalagay ka sa pahamak."

"At sa tingin mo ipapahamak ako ni Thun?" Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya.Hindi ko rin naman kase alam.

Tumalikod ako sa kanya at nagsimula ng maglakad.

Palalamigin ko nalang muna yung ulo niya.Si Spring naman kase eh,ang daming alam,pero palagi namang palpak.

Hindi ako pumunta sa cafeteria.Nandun naman si Ellah na kasama ni Autumn para maglunch.

Kakalakad ko dito ako dinala ng mga paa ko sa gem.Umupo sa isang bleacher.Dito nalang ako kakain.May baon naman ako eh.

"Mag-isa ka yata?"

"Ay anak ng tipaklong! Mark naman eh,bakit ka ba nanggugulat?" Tanong ko.

"Nakita kase kita kanina na parang ang lalim ng iinisip mo kaya sinundan kita dito,may problema ka ba Sam?" Nag-aalala niyang tanong.

"May kunting tampuhan lang kame ni Autumn." Sagot ko.

"Kaya ba nandito ka?" Tumango nalang ako sa kanya.

"Gusto mo sabay nalang tayong maglunch dito?" Tanong niya.

"Oo naman,ang tanong may pagkain ka ba?" Ngumiti lang siya sa'kin at nakita kung may kinuha siyang plastic sa paanan niya.Naks! Hindi siya handa noh?

"Ang dami naman niyan Mark." Sabi ko habang nilalagay niya sa upuan yung mga pagkain.

"Tayong dalawa naman ang kakain nito,kaya ok lang." Nakangiti niyang sagot.

Mabuti pa si Mark parang walang problema.Palaging nakangiti eh.Kaya pala ang dami din nitong fangirl.

"Kakain ka ba o titingnan mo nalang ako hanggang matapos ang lunchbreak?" Tanong niya.Kyahhhh...tinitingnan ko ba talaga siya?

"Heheh...sabi ko nga kakain na." Nahihiyang sagot ko.Kinuha ko naman yung baon sa bag ko.

Tahimik lang kameng kumain hanggang sa matapos kame.

"Sam nagka-boyfriend kana ba?"

Muntik ko ng mabuga sa kanya ang iniinum kung tubig.Buti nalang napigilan ko.Tanong naman kase ni Mark eh.San naman niya napulot yun?

"Hi-hindi pa bakit mo natanong?"

"Wala lang." Sagot niya.Labo niya ha.

"Ikaw? Nagka-girlfriend kana ba?" Ako naman ngayon ang nagtanong.Ang kaninang nakangiti niyang mukha ay naging seryoso bigla.

"Yuph! Nagka-girlfriend ako nung second year palang tayo,pero naghiwalay din agad kame dahil nag migrate sila sa L.A." Malungkot niyang sagot.Ehhhh...ayoko sa mga ganitong ambiance eh.Yung lungkot-lungkutan.

HATERS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon