Chapter 43-Flappy bird

16 0 0
                                    

Spring POV

"Si Autumn?" Tanong ko kay Ellah.

Nandito ako ngayon sa room nila.Grabe nga makatingin yung mga classmate nila.Parang pinagnanasaan nila ako sa isipan nila.Hanip! Yabang!

"Hindi pa dumating." Sagot niya.

"Pagdumating siya.Sahihin mo hinahanap ko siya." Sabi ko at lumabas na ng room nila.

Pero sakto namang paglabas ko paparating sila.Kasama niya si Sam.Nang mapatingin siya sa'kin.Inirapan niya agad ako.

Alam ko namang nagalit siya sa'kin kagabe eh.Inasar ko kase siya.

"Oh Spring,bakit ka nandito?" Tanong ni Sam ng makalapit sila sa'kin.

"May kailangan ako kay Autumn." Sagot ko.

"Hoy ikaw pala ang hinahanap." Baling niya kay Autumn.

"Alam ko." Mataray niyang sagot.

"Sige,pasok na ko." Paalam ni Sam at pumasok na siya sa room nila.

Si Autumn naman nanatili lang nakatayo sa harap ko.

"Tabi ka nga ang sakit mo sa mata." Taboy niya akin.

"Weh di nga?" Pang-aasar ko kanya.Kung kanina masama na ang tingin niya sa'kin mas lalo pa'ng sumama ngayon.Nanlilisik na yung mata niya eh.

"Spring kagabe ka pa ha!" Sigaw niya.Pero tinawanan ko lang siya.

"Baliw!" Sigaw niya at lalagpasan na sana ako pero hinawakan ko siya sa braso.

"I'm here to say sorry for what i did last night."

Nakita ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko.Kahit ako naman nabigla rin eh.Hindi naman talaga yun ang pakay ko dito sa kanya.

"Anong sabi mo?"

Sh*t! Kailangan talagang ulitin?Seryoso ko siyang tiningtan at "Sorry".

Nakita kung napangiti siya ng bahagya.Tss!

"Marunong kana pala ngayon mag-sorry." Nakangiti niyang sabi.

Tss! Parang ngayon lang ako nagsorry sa kanya.Napakamot naman ako sa ulo ko.

"Oo na.Bati na tayo." Sabi niya at pumasok na sa room nila.Naglakad nalang din ako papunta sa room namin.

Pagpasok ko sa room nakita ko agad ang mga nakabusangot na mukha ng mga gag*.

"Bakit ganyan ang mga mukha niyo?" Tanong ko sa kanila pagka-upo ko.

Hindi nila ako pinansin at busy silang nakatingin sa blackboard.Pagtingin ko dun.Tang*na.

Nag-iwan pala ng quiz yung teacher namin.Imagine.Hanggang 30 yun at problem solving pa.Mapapa-amp ka talaga.

Hindi daw kase siya makakapasok ngayon dahil may meeting sila.Langyang teacher yun.No choice kame at sagutan nalang yun.Terror pa naman ang matandang panot na yun.

..........

Summer POV

Ito kame ngayon nanonood ng practice nila Spring.Hilig ko yung basketball pero ngayon nabobore akong nanonood sa kanila.Ewan ko.Parang masam kase yung pakiramdam ko eh.

"Autumn,una ako sa inyo?" Paalam ko.Hindi ko na kase kaya ang bigat na talaga ng katawan ko.

"Sam ok ka lang? namumutla ka ha?" Nag-aalalang tanong ni Ellah.

"Ok lang......."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang umikot yung paningin ko.Mabuti nalang at nakahawak agad kay Ellah.

HATERS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon