Winter POV
"Sh*t Win bakit mo 'to ginagawa ha?!" Sigaw ni Mark sa'kin at binato sa'kin ang hawak niyang bola.
Nandito kame ngayon sa gym dahil hinamon ko siya ng one on one sa basketball.
Ang dami nga'ng tao dito ngayon sa loob.Hindi ko alam kung panu nila nalaman na may laro kame ni Mark.
"Hindi ka pa nagpapaalam sa'kin na liligawan mo si Sam.Pagnatalo mo'ko hahayaan kitang ligawan siya pero pag-natalo ka.Alam mo na ang gagawin mo." Sagot ko at binato pabalik sa kanya ang bola.Tumawa lang ang gag* sa sinabi ko.
"Hoy Win sure ka ba talaga na gagawin mo 'to ha?!" Sigaw ni Spring.
Tiningnan ko agad siya ng masama."Oo." Tipid kung sagot at bumaling kay Mark.
"Kalokohan mo Win!" Dex
"Ano sisimulan na natin?" Sigaw na naman ni Spring.
Siya kase ang magiging referee namin.Hindi namin siya pinansin at nagtitigan lang kame ni Mark.Kinuha ni Spring ang bolang hawak ni Mark at pumagitna saming dalawa.Umatras naman kame ni Mark ng kaunti.
*priiiitt*
Tunog ng pito.Hudyat na magsisimula na kame.Si Mark ang nakakuha ng bola pagkajumball.Mas lalo namang naghiyawan ang mga taong nandito sa gym.
.................
Summer POV
"Sam dalian mo naman!" Sigaw ni Autum at Ellah sa'kin.
Nagtataka naman ako habang nagpapatangay sa kanila.Ewan ko kung san nila ako dadalhin basta pagdating ko kanina sa room agad nalang nila akong hinila.
"San niyo ba talaga ako dadalhin ha?!" Sigaw ko sa kanila.Pero sige lang sila kakahila sa'kin at hindi ako pinansin.
Tinabig ko yung kamay nilang dalawa.Pero agad din nila akong hinawakan.
"Pwede Sam,wag ka munang magdadakdak dyan.Mamaya malalaman mo rin kung san tayo pupunta." Sagot ni Autumn at hinila na naman nila ako.Grabe! Namimihasa na sila kakahila sa'kin.
Hindi na ako nagsalita pa at nagpatangay nalang sa kanila.Parang alam ko na kung san kame pupunta.Parang pupunta kame ng gym ay hindi pala parang.Papunta talaga kame ngayon.Papasok na nga kame eh.
"Panu Mark.Talo ka,alam mo na ang gagawin mo diba?" Boses ni Ky.
Kitang-kita ko sila habang nasa gitna sila ng court Ano ba'ng nangyari kanina?
"Ayan Sam.Ang tagal mo kase.Hindi na tuloy natin naabutan ang laro nila." Reklamo ni Autumn.Pero nakatuon pa rin ang mga mata ko kina Mark at Ky.
"Wag kang mag-alala Win.Titigil na ako sa panliligaw kay Sam." Bigla nalang nanlambot yung katawan ko dahil sa narinig ko mula kay Mark.
Akala ko ba mahal niya ako? Pero bakit siya titigil sa panliligaw sa'kin?Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.Kinuha ko yung sapatos ko at binato kay Mark.Sapol siya sa ulo.Nakatalikod kase siya sa banda namin.
"Bakit ka titigil ha?!" Sigaw ko.Agad naman siyang napatingin sa side namin.Ngayon ko lang napagtanto.Nandito pala silang lahat.Parang lahat yata ng mag-aaral ng Estpad ay nandito ngayon sa gym.
Lumapit ako sa kanila habang umiiyak.Pakiramdam ko kase parang pinaglaruan niya ako.
"Bakit ha Mark? Pinaglaruan mo lang ba ako? Bakit hindi mo sinabi ha? Sana hindi ka nalang nagpaalam kina Dad kung paglalaruan mo lang pala ako!"Sigaw ko sa kanya.
Wala na akong pakialam kung anong hitsura ko ngayon.Basta ang alam ko.Galit ako ngayon.Hinawakan niya ako sa kamay pero tinabig ko yun.
"Dont touch me!"
BINABASA MO ANG
HATERS (on going)
Genç KurguMaganda,gwapo,matalino, bobo,basagulero, masungit,maarte, maldita,wierd. Ito ang mga katangian ng magkakaibigang ito. Walang araw na hindi nag-aaway o nagtatalo. They hate each other but still...kaibigan pa rin ang turingan nila. Labo noh? Would...