Layedie's POV
Mabilis akong naglalakad papunta sa classroom. Humanda siya sa akin! Hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Huminto ako sa tapat ng pinto at huminga ng malalim, matapos ay padabog kong binuksan ang pinto. Nakita ko siya na tahimik nagbabasa ng libro.
"You!" Sigaw ko. Buti nalang at kami lang kami nila kurt ang nandito. Maaga pa kasi.
Hindi niya ako pinansin.
Lumapit ako sa sa kanya at kinuha ang libro tinapon ko sa labas ng bibtana. "Sabihin mo, nasaan si xander?! Anong ginawa mo sa kanya?!"
Inawat ako ni Kate. "Ano bang sinasabi mo layedie?" Tanong niya tumingin ako kay Kate at niyakap siya.
"S-si x-xander, wala siya sa condo niya kagabi pa. Kate nag-aalala na ako," naiiyak na sabi ko.
"Bakit sa kanya mo binibintang?" Napahiwalay ako sa yakap ni Kate ng marinig ko ang malamig na boses ni kurt. Napatingin siya sa akin at halata mo ang galit niya sa mga mata.
"Dahil dito." Pinakita ko sa kanila ang picture. Kunuhaan ko ng picture yung sulat sa pader para may pruweba ako.
Nang mabasa nila ang message sabay sabay silang tumingin kay joanna. "Anong ibig sabihin nito?" This time, si leighanna na ang nagtanong.
Hindi pa rin siya sumagot, kumuha ulit siya ng isa libro at binasa. Nagulat ako ng biglang inagaw 'yun ni Juliana at hinagis din pero sa classroom lang.
"'Wag kang bastos, kinakausap ka namin," sabi ni Andrea. Ang galing din ng mga 'to eh, kahit na alam nila na siya ang leader nila ay hindi sila sumusunod at kinakalaban pa nila.
Tumayo siya. Napaatras kami ng konti dahil sa tumingin sa amin. "'Wag din kayong bastos, nakita niyong nagaarala ako hindi ba? Kung gawin ko kaya sa inyo 'yun?"
"Ang gusto lang namin ay ang sagot mo," sabi ni aivan.
"Nasaan. Si. Xander?" Madiin na pagkakasabi ni Mel.
"Wala akong alam sa sinasabi niyo," sabi niya at tumingin sa akin tsaka ngumisi.
"Kung ako ang gumawa no'n, edi sana hindi ko sinabi kung sino ang nagsulat. Hindi ako tanga."
"Anong gusto mong palabasin? Akala mo naman maniniwala kami sa'yo," sabi ni Shane.
"Anong oras mo ba nakita 'yun?" Tanong ni kurt.
"Mga 8 ng gabi," taas noo kong sagot.
"Sigurado ka bang siya 'yun?" Tanong niyang muli.
"Oo! Siya kang naman ang tumatawag ng lahat na queen."
Nagulat ako ng ngumisi din si kurt. "Hangal, paano kung sabihin kong nasa ospital kami ng mga oras na 'yun?" Nabigla ako.
"Impossible! Kung nasa ospital siya, bakit siya nandito?" Sabi ni Bridgette.
"Tumakas ako," sagot ni joanna.
"Ha?!" Halos lahat kami ay nagulat.
"Hakdog."
"Anong ginagawa mo sa ospital?" Tanong naman ni maricarl.
"Nawalan siya ng malay dahil sa taas ng lagnat niya kahapon," sagot ni kurt.
"Kung gano'n, sino ang gumawa niyan?" Tanong ko.
"Hindi ko alam pero isa lang ang ibig sabihin nito, may gumagaya sa'yo, queen," sabi ni Kent.
"Gayahin niya ako at kamatayan ang kakalabasan niya."
"Hindi ka ba natatakot?" Si elyruth.
Nakita kong sumimangot siya. "Bakit ako matatakot? Wala silang mapapala kung gagayahin lang nila ako."

BINABASA MO ANG
GID2: The Queen's Revelation (Completed)
Teen FictionGANGSTER IN DISGUISE BOOK TWO... "Everything has a reason." Sabi nila. Tatlong buwan. Tatlong buwan na Simula noong naghiwalay sila. Tatlong buwan na naghihintay si kurt at umaasang maaayos pa ang lahat. Maayos nga ba? Sa loob ng tatlong buwan ay na...