Kurt's POV
"Nagbalik ka na, pero bakit? Bakit mo na naman ako pinapalayong muli?" Wala sa sariling tanong ko. Natauhan ako ng may sinuntok sa akin, napaupo ako.
"Hayop ka! Sinong may sabi sa'yong halikan mo ang kapatid ko?!" Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Maski siya, nagiba ang kinikilos ni Van.
"Stop it!" sabi ni Joanna.
Napakunot ang noo ko. "Bakit ayaw mo?"
"Wala kang dahilan para gawin 'yon."
"Meron. Fiancé niya ako Van, may dahilan at karapatan ako."
"F-Fiancé?" gulat na sabi ni Joanna.
"Bakit parang gulat na gulat ka naman?"
"Wala akong Fiancé, hindi nga kita kilala."
Humakbang ako palapit sa kanya pero isang hakbang palang may suntok na agad ako.
"Ano bang problema mo, Aivan?!" inis na sabi ko.
"Wala akong pakialam kung na-miss mo o na-miss niyo siya. Wala akong pakialam kung Fiancé ka niya," malamig na sabi nito.
"Stay ayaw from her. Mas mabuti na ang lumayo kayo sa amin. Mas maganda ang buhay niya ng wala kayo. Let's go, Joanna." Hinila niya si Joanna palabas ng tambayan.
"Ang weird talaga ng kinikilos nila. Ano pa daw? Bawal taong lumapit? Edi go!" sabi ni Kate.
"Oo nga, as if naman lalapit tayo sa kanya. Galit tayo sa kanya hindi ba?" Sabi ni Leigh-an.
Nakapagtataka talaga, hindi ko alam kung bakit gano'n nalang ang kinikilos nila.
Joanna's POV
1 WEEK LATER......
Isang linggo na ang lumipas simula noong pangyayari ng 'yon. Umiwas ako sa kanila katulad ng sinabi ni Van. Hindi ko alam kung bakit pero sinunod ko siya. Sa tuwing kasama ko sila, sumasakit lang ang ulo ko.
And that Kurt, hindi ko siya kilala pero ang sabi niya ay Fiancé niya daw ako? Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip sa sinabi niya. Wala akong maalala. Wala akong kilala maski sa kanilang lahat.
And the worst thing of all, they keep on calling Queen na hindi ko naman alam kung bakit. Parang mas 'yun pa ang madalas na itawag nila sa akin dito.
Sobrang hirap na magpanggap na may naalala ka pero wala naman, 'yun kasi ang bilin sa akin ni Aivan. 'Wag daw akong magpahalata na may amnesia ako. Na wala akong maalala. Kaya magpanggap nalang daw akong may naalala kahit naman wala.
Vacant ko ngayon, ay hindi pala, mag-ditch lang ako ng klase. Noon, hindi ako nakakapag-ditch sa Korea pero ngayon, nagagawa ko dito. Malapit na ang 45 minutes recess kaya may ilan na ding estudyante sa labas. Parang wala lang sa akin kung mag-ditch ako, hindi ko alam kung bakit. Gano'n talaga ang nararamdaman ko.
*KRRRRRIINNGGG*
Tuluyan ng nag-bell. Pumunta na ako sa cafeteria nila dito. It seems familiar but still, hindi ko pa din matandaan ang iba.
Konti lang ang tao kaya madali akong nakabili ng pagkain. Habang naghahanap ako ng upuan may nakaagaw ng atensyon ko. Lumapit ako sa mga tao na nakabilog. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang nerd na may punit punit na damit, basag na salamin at bastang basa ang kanyang buhok, pati na din ang mukha niya.
"Hindi ka bagay dito! Ang pangit mo! Wala kaming pakialam kung mayaman ka. Umalis ka na sa school na 'to."
Napakunot ang noo ko sa lalaking nagsalita. Hindi pa ba siya matured? Halos 21 years old na kaming lahat dito pero mahilig pa din siyang mang-bully? May hawak siyang isang plastic na ng harina. Binato niya 'yun doon sa babaeng nerd.
BINABASA MO ANG
GID2: The Queen's Revelation (Completed)
JugendliteraturGANGSTER IN DISGUISE BOOK TWO... "Everything has a reason." Sabi nila. Tatlong buwan. Tatlong buwan na Simula noong naghiwalay sila. Tatlong buwan na naghihintay si kurt at umaasang maaayos pa ang lahat. Maayos nga ba? Sa loob ng tatlong buwan ay na...