Kurt's POV
Matapos ang pageant ay kailangan na agad no'n maglaro, bukas. Kailangan ko lang magpahinga.
Kasabay ko si jenny ngayon. Tuwang tuwa siya dahil sa pagkapanalo ko. Ihahatid ko siya pauwi. Tahimik lang kami.
"May itatanong ako sa'yo," basag niya sa katahimikan.
"Ano?"
"Ni minsan ba nagawa mong magakit sa kanya?"
"Sino?"
"Si joanna."
Natawa ako. "Hindi."
"Kahit noong nakipag-break siya sa'yo?"
"Oo."
"Bakit? Bakit hindi mo man lang kayang magalit?"
"Jenny naman."
"G-gusto ko lang naman eh."
"'Wag na."
"Bakit nga?"
"Basta."
"Kasi mahal mo siya kaya ni minsan hindi mo kayang magalit?"
Huminga ako ng malalim at inihinto na muna ang kotse. "Oo,mahal ko siya pero sinusubukan ko naman hindi ba? Sinusubukan kong kalimutan na dahil ako lang din ang nasasaktan."
"Pero paulit-ulit na sinasabi ng kaibigan mo na antayin mo yung reason niya."
"Huh? Sinong nagsabi?" Takang tanong ko. Nagulat siya.
"Hindi ba nila sinasabi?"
"Ang alin?"
"May reason daw siya."
"Nagpapatawa ka ba?"
"Hindi. Seryoso ako."
"Psh! Ayoko ng marinig 'yan. Kinakalimutan ko na eh."
"Hindi mo kailangan kalimutan ang taong minsang naging parte ng buhay mo. Kailangan mo lang ito tanggapin."
Hindi ko na siya sinagot. Tahimik kami hanggang sa mahatid ko siya.
"Kita nalang tayo bukas," sabi ko na tinanguan niya lang.
Aivan's POV
Nakatingin lang ako sa picture bilang dalawa. Damn! Magkamukhang magkamukha sila ng sobra. Picture 'yon ni joanna at yung kambal.
Sobra na akong naghihinala. Ang daming tanong sa mga tanong na sa tingin ko ay matagalan pa bago masagot.
"Hindi ko na talaga kaya. Aish! Magtatanong na ako!" inis na sabi ko at lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa office ni mom.
Nakakagulat ako dahil biglang humarang sa akin ang mga body guard ni mom.
"Papasukin niyo ako sa office niya," mahinahong sambit ko.
"I'm sorry young master, wala naman kayong appointment kay lady Victoria."
Napamura ako ng wala sa oras.
"Papasukin niyo ako! Kung ayaw niyong matanggal sa trabaho."
Namutla sila kaya naman wala silang nagawa kung hindi sundin ako. Nakita ko si mom na busy sa pagbabasa sa mga papel tapos pipirmahan. Paulit ulit lang ang ginagawa niya.
"Mom," tawag ko.
"Wae? Not now van, I'm busy."
"Is she my twin sister?" seryosong sabi ko tsaka pinakita ang picture nilang dalawa.

BINABASA MO ANG
GID2: The Queen's Revelation (Completed)
Novela JuvenilGANGSTER IN DISGUISE BOOK TWO... "Everything has a reason." Sabi nila. Tatlong buwan. Tatlong buwan na Simula noong naghiwalay sila. Tatlong buwan na naghihintay si kurt at umaasang maaayos pa ang lahat. Maayos nga ba? Sa loob ng tatlong buwan ay na...