Chapter 38

708 13 1
                                    

Victoria's POV

Napahilot ako sa aking sintido. Pauwi pa lang ako sa Pilipinas. Nakasakay ako sa private plane. Ang dami nang feedbacks ang VU. Madami na din yung bashers.

"Lady Victoria, okay ka lang?"

"Magiging okay ako."

Kinuha ko yung isang folder, damn. Naghihiganti ba ang batang 'to? Mariin akong napapapikit dahil sa antok. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Errr. Nasaan ako?

"Victoria, apo."

Na-istatwa ako ng marinig siya. "L-lo," hindi makapaniwala ng sabi ko.

"Ako nga, hija."

Lumapit ako sa kanya pero lumalayo lang siya. "Gusto kitang balaan."

Napalunok ako. "Tungkol saan po?"

"Kailangan mo nang magsabi ng totoo hangga't may oras ka pa."

"Anong ibig niyong sabihin?"

"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin, Victoria. Ayaw ko sa lahat ay yung Nagsisinungaling."

"Pero lo—"

"Hindi ka na bata pa para umatras. Lahat ng ginawa mo ay may kapalit. Binabalaan na kita ngayon palang."

"Lady Victoria, nandito na tayo." Napabalikwas ako ng wala sa oras. Lumabas kami sa plane at naglakad na.

Sumakay ako sa kotse. Nakatingin ako sa bintana. Anong klaseng panaginip 'yon?  Nang makarating kami Mansion ay bumukas ang malaking pintuan.

Nakahilera lahat ng maids, butlers at mga chef pero ang nakakagulat sa lahat.......

"Hi mom! Welcome back," sabi niya at niyakap ako.

"Thank you," sabi ko.

"Come on! Naghanda ako kasi dumating kayo." Hinila ako ni Joanna. Lihim akong napangiti, ni minsan hindi siya naging ganito kabait sa akin. Noon, wala lang sa kanya kung dumating ako. Wala siyang pakialam, kapag tumingin siya sa akin ay malamig na parang tagos sa buto, halatang halata ko na may galit siya sa mga ginagawa ko NOON. Pero ngayon ay nag-iba. Naging mabait siya sa akin. Gabi na ako dumating kaya dinner na ang hinanda niya.

"Ang dami naman nito," kunot noong sabi ni Aivan. Kung ngayon ay naging mabait si Joanna, naging masama naman ang ugali ni Aivan. Para silang nagpalit ng ugali.

"Konti pa nga 'yan e! Hindi ko na kaya lutuin yung iba kasi kinulang na sa oras."

"Tss parang hindi ka naman nasanay na nandito si Mom." At least, hindi pa nagiging bastos ang pananalita ni Aivan.

GID2: The Queen's Revelation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon