Chapter 51

703 16 0
                                    

Conway's POV

Naaawa akong nakatingin kay Noona. Umiiyak na naman siya at sigurado akong sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala ni Carlo.

Napatingin ako kay Philip, hindi ko maiwasan na magalit sa kanya dahil sa pagpapahirap kay Queen. Sumusobra na siya. Nakita kong may kinakabit siya sa hawak niyang pistol kaya nanlaki ang aking mata, mas lalo akong nabahala nang itutok niya 'yon kay Queen.

Nagkunwari akong hindi ito nakita at umarte. Lumapit ako kay Noona, niyakap ko siya mula sa kanyang likod.

"Tahan na," bulong ko.

"B-buhay pa siya 'di ba?" Sabi niya sa pagitan ng mga hikbi.

Malungkot akong umiling. "Wala na siya, Queen. Patay na siya."

"H-hindi ko matanggap."

"Kailangan mong tanggapin."

Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.

"Noona," tawag ko.

"Hmm?"

"I love you so much."

You're the only girl I love. Lahat ng pagmamahal na mayroon ako, binuhos kong lahat sa'yo kahit alam kong hindi mo mababalik 'yon.

"'Wag kang gagalaw ha?" Sambit ko pa.

May naramdaman akong tumama sa akin. Mukhang 'yon na yung bala mula sa baril kanina pero bakit wala man lang nakarinig ng putok no'n? Bingi na ba ako?

Pinilit kong 'wag ipahalata kay Noona pero mas lalong humigpit ulit amg yakap ko sa kanya.

"Conway."

Napangiwi ako bago magsalita. "Bakit Noona?"

"Kailangan kong ipaghiganti si Carlo."

"Let me hug you first."

Ito na ang huling beses na mayayakap kita. Sana hayaan mo akong yakapin ka kahig sa huling sandali.

"Pero--"

"Please?" Napangiwi akong muli sa sakit na nararamdaman ko.

"Okay," pagsuko niya.

Napapikit ako habang yakap siya. Bumabalik sa utak ko yung mga araw na masaya siya, yung mga araw na masaya kami.

Saksi ako sa lahat ng paghihirap na ginawa niya. Kung pwede ko lang sana tanggalin lahat ng sakit na nararamdaman niya hanggang ngayon ay ginawa ko na.

"Hinding hindi ko pinagsisihan na minahal kita," bulong ko.

"You never failed to believe me, Queen. Alam kong gusto mong sumuko noon pa pero dahil may kapalit 'yon, hindi mo na tinuloy. You really know how to value your friends even though you're the one who's suffering just for them to be alive."

Unti unting lumuluwag ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Since then, I'm always here by your side." Nangingilid ang luha ko.

"Ano bang pinagsasabi mo, Conway?"

Bumitaw ako sa yakap pero nagulat din ako dahil humarap siya bigla.

Nanlaki ang kanyang mga mata, muling rumihistro sa kanyang mukha ang takot. Lalo na nung nakita niya na naliligo ako sa sarili kong dugo.

"C-Conway." Muling naginginig ang kanyang boses. Marinig lang na gano'n ang boses niya, para na din aking dinudurog.

"Bakit hindi ka nagsasabi? Kanina pa ba 'yan?"

Ngumiti ako at tumango.

Joanna's POV

GID2: The Queen's Revelation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon