Joanna's POV
Inis kong binaling ang aking tingin kay Carlo.
"Humanda ka talaga sa akin!" Nanggagalaiting sigaw ko. Gusto ko siyang sugudin at sakalin hanggang sa malagutan siya mg hininga pero pinipigilan ko ang sarili ko. Pinsan ko siya!
"Sorry."
"Walang magagawa ang sorry mo. Magdasal ka nalang na maayos at hindi kumalat ang lason sa kanya."
"Hindi ako pwedeng magdasal eh."
"At bakit?!"
"Kasi masusunog ako? Hahahaha."
"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo Carlo."
"Oo na."
"Tss."
"Bakit hindi mo muna puntahan si kurt?" Napatingin ako kay adam na nakasandal sa pader at naka-cross arm.
"Bakit ko naman siya pupuntahan?"
"Wala namang magbabantay doon. Si amber lang."
"Samahan mo ako."
Ngumisi siya. "Sige."
Tumingin ako kay Carlo. "Sa susunod, 'wag kang magtitiwala at makipagusap sa kahit sino!"
Pumunta kami sa kwarto ni kurt. "Noona!" Napayakap sa akin si amber.
"How's kurt?" tanong ni adam.
"Naging successful ang operation pero hindi siya nagigising."
Napabuntong hininga ako.
"Noona, tulungan mo muna akong magbantay sa kanya."
"H-hindi pwede! Kailangan ko ding bantayan si conway."
"Noona sige na please."
"Oo nga, nandoon naman si Carlo para magbantay."
"Pumili ka noona, kuya ko o si kuya conway?"
Napalunok ako. Nasa hot seat na naman ako.
"Si conway."
"Sige please noona kahit limang minuto lang."
Wala akong nagawa kung hindi ang pumayag.
"Maiwan ko muna kayo. Bibili lang ako ng snacks," paalam ni adam. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Iiwan mo ako dito?!"
"Oo. Nandyan naman si amber eh, babalik din naman ako. Bakit masyado kang affected?" nangaasar ang tono niya at ngumisi pa. "Unless, maha--"
"Lumabas ka na!"
Tumatawa siyang lumabas.
"Ate magc-CR lang ako," si amber.
"S-sige."
S I L E N C E
Nakatitig lang ako sa kanya. Ni hindi ko maalis ang tingin ko kahit gusto ko itong alisin. Matagal ko siyang hindi natitigan ng ganito.
Nakaramdam ako ng awa sa kanya kaya saglit akong napayuko matapos no'n ay tiningnan ko ulit siya.
"Kung nagtutulog tulogan ka lang, gumising ka na! Hindi ako Natutuwa sa mga pinagagagawa mo, alam mo ba 'yon?!" Natawa ako dahil kinakausap ko ang taong tulog at malabong sagutin ako.
"Akala mo ba Natutuwa ako sa paghahabol mo sa akin?! Nagmumukha kang desperado at nakakaawa pero kahit gano'n...."
Napatigil ako sa nagsasalita. Kailangan kong magingat. Ano bang malay ko kung may spy o may device na nandito sa kwarto para malaman kung anong nasa isip ko.

BINABASA MO ANG
GID2: The Queen's Revelation (Completed)
Teen FictionGANGSTER IN DISGUISE BOOK TWO... "Everything has a reason." Sabi nila. Tatlong buwan. Tatlong buwan na Simula noong naghiwalay sila. Tatlong buwan na naghihintay si kurt at umaasang maaayos pa ang lahat. Maayos nga ba? Sa loob ng tatlong buwan ay na...