Joanna's POV
Hindi ko pinahalata pero natatakot na ako, sa ngiti palang niya paniguradong may masamang mangyayari.
Inantay ko pang makalabas sila bago ako lumapit kila Kurt. Pilit kong tinatanggal ang kadena gamit ang katana. Pinakawalan ko muna sila Juliana at yung iba, tapos no'n sila Aivan naman. Natanggal ko na din ang kadena ni Kurt.
Muling tumulo ang luha sa aking mga mata. Bahagya ding nawala ang takot ko. "Don't cry, my Queen." Pinunasan niya ang luha ko.
Binigay ko muna kila Aivan ang katana. "Pakawalan niyo yung iba habang may oras pa at kung sakali mang dumating na ulit si Philip, umakto kayo na naka-cadena pa din."
"Sige."
Muli kong tiningnan ang mga mata ni Kurt, hindi mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Kahit hindi siya magsalita ramdam kong naguguluhan siya sa nangyayari at alam ko din na gusto niyang marinig ang paliwanag ko pero hindi ko alam kung saan ko sisimulan.
"Wala ka bang sasabihin?" tanong na niya, nanatili akong tahimik.
"Pwede bang ipaliwanag mo sa akin kung anong nangyayari? Kasi naguguluhan na kami e, sige na naman o. Para hindi naman kami magmukhang tanga dahil pinapanood ka lang namin. Ayaw kong umabot do'n sa point na ako pa mismo ang makakita ng pagkamatay mo!"
Alam kong nagaalala lang siya pero hindi ko talaga alam kung saan ako magsasalita. "Kapag natanggal na ang pagka-cadena niyo, umalis na kayo sa bahay na ito," napalunok ako, pakiramdam ko may bumara sa aking lalamunan.
"At iiwan ka dito?" napatingin ako kay Mark na may seryosong tingin at tono.
"Oo."
"Ano kami tanga? Hahayaan ka nalang namin magpabayani ha, Queen? Gano'n ba 'yon? Magpapakabayani ka na naman?"
"Wala na kayong kinalaman dito."
"Meron! Kaya nga kami dinala dito, hindi ba? Tangina! Tapos makikita ka na naming patay kapag umalis kami?"
"Mas maigi 'yon."
"Bullshit!"
Muli akong tumingin sa pinto, wala pa din si Philip. "Look, hindi dapat kayo madadamay. 'Yon ang itatak niyo sa isip niyo."
"Pero gusto namin malaman ang lahat," muli akong napatingin kay Kurt. Iniwas ko na ang aking tingin.
"Saan?"
"Sa lahat."
Huminga ako ng malalim. May story telling na magaganap, umayos na din ako ng upo. "Narinig niyo na yung sinabi ni Philip 'di ba?"
Hindi sila umimik. "That's true. Naging mag-kaibigan kami, siya yung laging nandyan para sa akin at siya din ang tagapagtanggol ko noon dahil ni minsan, hindi ako nilubayan ng mga bully. Siya lang yung kaisa isa kong kaibigan hanggang sa nakilala na nga namin si Sensei. Hindi ko naman alam na siya ang lolo ko kaya nagulat ako kanina."
Alam kong nakikinig lang sila. "Naging gangster queen ako tulad ng gusto ni Sensei. Tunuruan niya pa ako maging taong yelo----I mean, maging yelo ang puso ko. Dapat hindi ako makikitang ng emosyon, dapat hindi nila mabasa ang mga galaw ko. Dapat hindi nila malaman kung anong laman ng isip ko."
"Being a gangster Queen is the most hardest role. It's like hell, lalo na at hindi niyo pa ako kilala noon. Bago ako umuwi sa Pilipinas muling nagparamdam si Philip. Hindi ko akalain na babalik siya bilang isa na din sa kalaban ko sa trono, sinundan niya ako hanggang dito sa Pilipinas."
"Doon na mas lalong naging komplikado ang lahat. Ginawa niya kayong pa-in para hindi ako makagawa ng galaw. Kaya nga simula noong dumating ako, lagi kayong napapahamak. Bukod sa paggamit niya sa inyo, lagi akong nakakatanggap ng death threats. Kahit pa sanay ako sa death threats dahil hindi lang siya ang nagbibigay sa akin niyan, deep inside may Takot pa din ako."
BINABASA MO ANG
GID2: The Queen's Revelation (Completed)
Roman pour AdolescentsGANGSTER IN DISGUISE BOOK TWO... "Everything has a reason." Sabi nila. Tatlong buwan. Tatlong buwan na Simula noong naghiwalay sila. Tatlong buwan na naghihintay si kurt at umaasang maaayos pa ang lahat. Maayos nga ba? Sa loob ng tatlong buwan ay na...