"Where am I?" She asked. Gising na siya.
"Condo."
Sinubukan niyang umupo. Inalalayan ko naman siya.
"Stay away." Malamig niyang sambit na nakapagpatigil sa akin. Bumalik nalang ako sa aking upuan.
Tahimik ko lang siyang tinitingnan. Gusto niyang tumayo pero parang hindi niya kaya. Seryoso? Siya ang queen? Bakit parang hindi naman?
Nagawa na niyang tumayo pero medyo pagewang-gewang siya. Nagulat ako ng pumasok siya sa cr. Dala niya yung mga damit. 'Wag mong sabihin na maliligo siya?
"'Wag kang maligo. May lagnat ka." Paalala ko.
"You don't care." Pumasok siya sa cr. Kingina ng babaeng 'to. May lagnat na nga hindi pa marunong makinig.
Ilang minuto lang siya naligo. Naka-uniform na siya palabas. "Papasok ka? May lagnat ka ah."
"Leave."
"Tss. Hindi ka man lang marunong mag-thank you, ako na nga ang nagalaga sa'yo kagabi." Napasimangot na sabi ko.
"I can handle myself. Sino ba naman kasi ang nagsaning alagaan at tulungan ako. Nagkusa ka naman kaya hindi ko na kasalanan."
"Alam mo ba sa sinasabi mo nasasaktan ako?"
"I don't care." Kinuha niya yung bag.
"Leave." Muli niyang sambit.
"Mag-thank you ka muna," nakangisi ako.
"I said leave! Ayaw kita makita, umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko at mapatay pa kita."
Kumirot na naman ang puso ko. Ang sakit.
Hindi pa rin ako umalis. Pumunta siya sa isang drawer, binuksan niya 'yun. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang hawak niya. Isang eagle pistol.
"Leave now or else I'll kill you." Wala na akong nagawa kung hindi umalis. Bago pa man ako makaalis sa kwarto niya nagsalita ako.
"I can be mean as demon. Sweet as candy. Cold as water. Evil as hell. Or loyal like a soldier. Just comeback, to me. It all depends on you."
Hindi siya nagsalita gano'n na rin ako. Lumabas at umuwi sa condo. Pumunta na din ako sa condo ko. Naligo at nagbihis. Bumaba na agad ako sa building matapos kong gawin ang nga morning rituals ko. Pumasok ako sa kotse at mabilis na pumunta sa university. Alam kong wala na siya doon sa condo niya, naalala ko na naman yung pass code niya. Nyeta! Ang sakit at sobra akong nagseselos.
Naramdaman kong uminit ang gilid ng aking mga mata hanggang sa unti unting lumabo ang aking paningin.
*Beep*
Sh*t! Bigla kong niliko yung kotse pakanan. Muntik na akong mabangga ng isang truck.
Nakarating ako sa university at dumiretso sa klase. Alam kong late na ako pumasok, kaya lang naman ako pumapasok para makita siya eh. Napatingin ako sa cellphone ko habang naglalakad.
20 missed calls. 30 unread messages.
Tinago ko sa aking bulsa yung cellphone, hindi ko na kailangan malaman kung sino 'yun dahil kilala ko naman siya.
Walang iba kung hindi si jennifer Hernandez.
Tsk! Nakakairita talaga yung babaeng 'yun. Kala mo naman talaga nawawala ako. Grabe makatawag at maka-text sa akin. Hindi ko na muna pinansin, may narinig akong dalawang babae na nagsasalita.
![](https://img.wattpad.com/cover/173929305-288-k564909.jpg)
BINABASA MO ANG
GID2: The Queen's Revelation (Completed)
Novela JuvenilGANGSTER IN DISGUISE BOOK TWO... "Everything has a reason." Sabi nila. Tatlong buwan. Tatlong buwan na Simula noong naghiwalay sila. Tatlong buwan na naghihintay si kurt at umaasang maaayos pa ang lahat. Maayos nga ba? Sa loob ng tatlong buwan ay na...