Chapter 28

847 20 6
                                    

Joanna's POV

Umaga palang naglakad lakad na ako hindi ko alam na nakarating na pala ako sa tabong dagat. Napakagandang pagmasdan ang sikat ng araw dito.

"Masyado ka naman yatang excited sa date natin." Ramdam ko ang pagyakap niya mula sa aking likod. Napapikit ako ng biglang lumakas ang hangin. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinabitaw 'yon sa pagkakahawak. Humarap ako sa kanya hinawakan ko ang kayang mukha.

"Pinapayagan lang kita dahil para sa akin friendly date lang 'yon. Ititigil na natin hindi ba? Ayaw ko lang na masaktan ka pa."

"Pero hindi ko kaya e, nasasaktan na ako."

"Kaya ayaw ko ng dagdagan pa." Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Mahalaga ka sa akin at hindi ko kakayanin kung mawawala ka. Ayos lang na ako ang lumayo kaysa naman lapit ako ng lapit sa'yo, baka hindi kita makita habang buhay."

"Hinding hindi ako mawawala. Pangako 'yan. Nandito lang ako lagi sa tabi mo. Kaya, tara na? Breakfast na tayo?"

"Sige."

Pumunta kami sa isang resto tsaka kumain.

"Anong gusto mong gawin natin pagnatapos 'to?" tanong niya.

"Hindi ko alam e, ikaw nalang ang bahala."

"Sige!"

Agad kaming natapos. "Water skiing tayo, gusto mo?" tanong niya.

"Sige ba. Pero mamaya pa 'yon 'di ba? Babalik na muna ako sa kwarto."

Ramdam kong natahimik siya. "Bakit pakiramdam ko magsisimula ka na namang lumayo?"

"Hindi nga sabi ako lalayo. 'Wag kang makulit. Gusto ko lang ulit matulog, kulang pa ang tulog ko." Tinalikuran ko na siya at naglakad pabalik.

Alam ko, alam kong makasarili ako. Sarili ko lang ang iniisip ko at hindi ang nararamdaman niya pero sa tuwing iisipin ko 'yon, nasasaktan ako.

*****

"Ang dami ng mga 'to," sabi niya sa akin. Dumating na si Carlo.

"Ayos lang 'yan. Para hindi mahanap ni Mom kung anong flash drive 'yon."

"Oo nga pala, nakita ko siya sa kwarto mo at hinahanap niya din yung mga flash drive."

"Hindi niya mahahanap ang mga 'yon. Naka-lock lahat sa kwarto ko. Unless, pwersahan niyang buksan 'yon."

"Ano ba kasing problema niyo sa flash drive na 'yan?"

Hindi na ako sumagot pa hinahanap ko ang flash drive na binigay sa akin ng kung sino. Nang mahanap ko na, pinakita ko na sa kanya.

"Nakikita mo ba 'to? May kung sino ang nagpadala ng flash drive na 'to. Dito ko nalaman na gusto akong ipapatay ni Mom," sabi ko na may mapait na ngiti sa labi.

Tumayo ako para kunin yung dala kong laptop. Katulad ng dati, may nagiisang file lang ang laman no'n. In-open ko ang file at lumabas ang isang video. Pinindot ko yung play button.

"I want you to kill my precious daughter before it's too late. Here, this is her picture."

"Masyado naman po atang mahirap ang pinapaggawa niyo."

GID2: The Queen's Revelation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon