Aivan's POV
"Yo!" bati ko kay Kurt. Nandito ako ngayon sa mansion nila.
"Bakit nandito ka? Malapit na yung party mamayang hapon."
"Tsh! Bawal akong pumunta doon."
"Ano?! Anong klase naman 'yon?"
"Ewan, ayaw pa akong papuntahin ni mommy doon. Half day nga lang ang mga maids namin dahil mamaya may party naman doon sa isang mansion."
"Iba talaga kapag mayaman," biro niya. Natawa ako.
"E ikaw, kumusta ka na? Balita ko nilalagnat ka."
"Magaling na ako," nakangiting sabi niya.
"Talaga? Ang galing naman ng nag-alaga sa'yo," biro ko pa.
"Oo at si Joanna 'yon."
"H-ha? Nandito si Queen?"
"Oo, ang sabi niya pupunta din siya sa party, private party."
Sinong nag-invite sa kanya? Si mom ba? Pero ang alam ko walang kaya ang mga magulang niya at matagal na silang patay, paanong......
"Happy Birthday pala brad. Hahaha! Nakalimutan kong batiin ka."
"Ayos lang. Salamat."
"Nasaan na yung iba?"
"Yung iba? Nasa kani-kanilang bahay nila dito sa Korea."
"Si Mel, nahanap na ba?"
Nakaramdam ako ng lungkot. Hanggang ngayon ay wala pa din kaming balita sa kanya. "Hindi pa siya nahahanap. Hindi naman alam kung bakit siya kinuha."
Natahimik kami.
"Nag-usap kami ni Joanna kahapon."
"O? Anong pinagusapan niyo?"
"Binigyan ko siya ng isang pagkakataon."
"Anong pagkakataon naman 'yan?"
"Na kapag bumalik siya sa akin kakalimutan ko lahat pero kapag hindi, hindi ko na siya kukulitin pa. At alam mo ang sagot niya? Ang sabi niya mahal niya si Conway kaya hindi niya ito kayang saktan."
"Hindi ang sagot niya, 'di ba?"
Tumango siya. "Tangina ang sakit no'n, hindi niya talaga ako minahal."
"Kaya mo bang hindi kulitin 'yon? E magkikita pa nga kayo mamaya e."
"Wala akong balak pumunta."
"Hindi pwede 'yon. Magkakaroon ka na ng fiancé kaya kailangan mong pumunta doon. Magtatampo ang kapatid ko kapag hindi nakapunta ang best friend niya."
"Alam ko naman 'yon."
"Kailangan mong pumunta sa ayaw at sa gusto mo."
"Ano na kayang itsura ng babaeng 'yon?" Natatawang sabi niya.
"Who knows? Mailap siya sa mga tao at mahirap mahanap dahil paiba-iba siya ng pangalan."
"Kung sabagay."
Mel's POV
"Hayop ka! Traydor! Pakawalan mo ako!"
"Na-uh! Masyado ka ng madaming nalalaman, Mel. Sa tingin mo ba papakawalan pa kita?" tumawa siya ng malademonyo.
BINABASA MO ANG
GID2: The Queen's Revelation (Completed)
Teen FictionGANGSTER IN DISGUISE BOOK TWO... "Everything has a reason." Sabi nila. Tatlong buwan. Tatlong buwan na Simula noong naghiwalay sila. Tatlong buwan na naghihintay si kurt at umaasang maaayos pa ang lahat. Maayos nga ba? Sa loob ng tatlong buwan ay na...