Chapter 44

691 18 0
                                    

Joanna's POV

"Aba! Mukhang gising na ang Queen."

Para akong naestatwa sa kinaupuan ko. Takot ang bumalot sa akin. Lumingon ako at nakita ko si Philip. May dala siyang katana at nakangisi sa akin.

"Philip," tawag ko.

"Kita mo nga naman, kilala mo na ako? Kailangan lang pala pokpokin 'yang bungo mo e. Tumayo ka dyan."

"Bakit?"

"Natatakot ka bang matalo sa akin? O natatakot kang makita nila na ang Queen na nasa harap nila ay sobrang hina o baka naman natatakot ka pa din malaman nila ang totoo?" Sinamaan ko ng tingin si Philip. "Oh come on, Queen! Nandito na sila kaya kailangan nilang malaman kung gaano ka kanina." Binato niya yung isang katana.

"Labanan mo ako," hamon sa akin ni Philip. Inabot ko ang katana. Mukha siyang kampante, kampante ba siya dahil nabugbog niya ako kanina? Inabot ko yung katana. Ang sakit pa din ng katawan ko kaya ginawa kong tungkod yung katana para makatayo.

Saktong pagtayo ko, nalamayan ko nalang na lumapit sa akin si Philip. Sobrang bilis niya kaya nahiwa niya ako sa tyan. Tumalsik ang dugo sa sahig at may dugo na din ang katana niya.

Hindi pa man ako nakakabawi, agad siyang sumugod ulit. Nagpaulit ulit lang 'yon. Ang dami ko nang hiwa.

"Ano? Hanggang dyan ka nalang ba?" Nakangising sabi niya. Akala ko muli siyang aatake sa akin pero hindi, target niya sila Kurt.

"Sino bang gusto mong unahin sa kanilang tatlo?!" sabi ni Philip habang nakatingin kila Kurt, Aivan at Conway.

"Binabalaan kita Philip, 'wag na 'wag mo silang idadadamay. Wala kang sino man ang dapat idamay dito."

"Ah, parang ganito ba?" Naiyukom ko ang aking kamay nang sugatan niya si Kurt sa braso. Wala siyang karapatan na saktan ang taong mahal ko.

"Hindi ka pa din ba makagalaw? E kung ito naman kaya?" Sambit niya habang nakatutok ang talim ng katana sa tabi ng leeg ni Kurt. Nanghihina ako at natatakot na baka tuluyan niyang tanggalin ang ulo niya.

"Nakikiusap ako, 'wag kang mandamay."

Tumawa lang si Philip. "Kita mo nga naman. Nakikiusap ka na din ngayon?" Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon, mabilis akong kumilos. Pinuwersa ko lang ang sarili ko dahil baka gawin niya talaga 'yon.

"'Wag kang mandadamay ng kahit sino dahil wala naman silang kinalaman dito! Hayop ka!" inis na sigaw ko. Nasugatan ko na din siya sa inis.

"Ayan, bumabalik na talaga ang Queen."

"Tumigil ka na."

"Hindi ako titiggil, bakit ako titiggil kung malapit na mapasakin ang Trono mo."

"Kahit kailan, hinding hindi ko Ibinigay sa hayop na katulad mo ang trono ko."

"Bakit hindi mo nalang ibigay? Mahina ka naman," muli akong inatake ni Philip.

"Wala ka din namang kwenta." Umatake siyang muli.

"At higit sa lahat, ang hina ng loob mo. Hindi bagay sa'yo ang maging gangster Queen."

"Tangina! Tama ka!" sigaw ko sa kanya. Humigpit ang kapit ko sa katana dahil ayaw kong makita nilang umiiyak ako pero hindi e, traydor 'tong luha ko. Tumutulo ng kusa.

"Tama ka, Philip. Mahina at natatakot ako. Alam mo kung bakit? Dahil alam kong isang maling galaw ng mamatay sila!" turo ko nila Aivan.

"Sa buong taon na naging gangster Queen ko, ni minsan hindi ko nagawang naging masaya dahil impyerno ang dating nito sa akin. Kailangan kong itago ang sarili ko. Nang nakilala naman nila ako mas lalo silang naging desperado makuha ang trono ko. Sususbaybayan nila ang mga galaw ko at kapag may nahanap silang butas ng kahinaan ko, doon nila ako tatakutin. Tama 'di ba? Gano'n na gano'n ang ginawa mo e."

GID2: The Queen's Revelation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon