Chapter 14

900 18 2
                                    

Leighanna's POV

Muli kaming nasa gym para nanood muli ng laban nila. Volleyball ngayon kaya naman todo cheer ako kay ellezer.

Kalaban namin ang grade 9 o mga third year. Nasa third set kami at lamang na lamang sila ellezer. Ang tatangkad ba naman ng players namin sinong hindi mahihirapan? Lagi nilang naba-block ang tira ng kalaban at kung mag-spike naman ay halos hindi na nadedepensahan ng kalaban sa layo.

Napatingin ako kay Kate dahil kasama namin siya at katabi ko naman si layedie. Pansin ko ang pangiti ngiti ni Kate habang nakatutok ang mata niya sa cellphone.

"Mukhang good mood si Kate ah?"

"Yup. Actually ayos na sila ni Theo," sagot sa akin ni layedie.

"Talaga? That's nice."

"May sasabihin nga sa atin 'yan eh."

"Ano?"

"Ewan."

"Kate!" tawag ko nilingon naman niya ako ng nakangiti.

"May sasabihin ka daw?"

"Ah! Oo," excited na sabi niya.

Hindi ko siya sinagot dahil mukhang Magsasalita pa siya.

"May good at bad news ako sa inyo."

"Ano nga? Pabitin masyado," sabat ni Leigh-an na nakikinig pala sa amin.

"Ano bang gusto niyong unahin ko?"

"Bad news," si layedie.

"Okay, bad news dahil nalulugi ang company namin," sabi ni Kate na ikinalaki naman ng mata naman.

"Hala?! Bakit daw?"

"Ewan. Hindi nila sinabi sa akin kaninang umaga."

"Ano yung good news?"

"Dahil nalulugi ang company namin, naisipan na nila akong ipa-arrange marriage."

"Anong good news doon?"

"Good news? Dahil kay Theo ako mismo ipapakasal. OMG! Hahahaha!" kinikilig pa na sabi niya.

"Sinabihan na nila ang family ni Theo at wala namang tumututol."

"Buti hindi nila nalaman ang pagpatay mo sa kambal niya?" nakangising tanong ni Leigh-an.

Bahagyang namutla si Kate dahil doon. "Leigh-an naman," saway ko.

"What? Concern lang ako kay Kate, alam naman nating mafia ang pamilya ni Theo."

"Alam naman ni Theo 'yun eh," tanggol ko.

"Si Theo lang paano yung daddy niya? Malamang magwawala 'yun."

"Manahimik ka na nga lang Leigh-an," parang naiinis na din si layedie.

Napahinto kami sa paguusap dahil sa pinto ng referee, panalo ulit sila.

Nilapitan ko si ellezer at niyakap. "Congrats."

"Thanks."

Binigyan ko siya ng water at pinunasan ang pawis niya sa noo.

"Wala na ba kayong laro?" tanong ko.

"Wala na."

"Tara? Punta tayo sa mga booths."

Napangiti naman siya. "Sige ba, doon tayo sa Wedding Booth," nakangising sambit niya naikinapula ng mukha ko.

Niyaya na namin ang iba at pumunta ulit sa field. Ang daming booths na ginawa nila amber kaya naman nage-enjoy ang lahat.

Joanna's POV

GID2: The Queen's Revelation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon