Chapter 39

674 13 5
                                    

Layedie's POV

Yawn. Hayst. Nagising ako dahil sa hilik ng mga 'to. Tsk, matutulog na nga lang may hilik pa.

Sinandalan ko yung katabi ko, alam ko kasi si Kate 'yon kaya okay lang. Muli akong napapikit, balak ko sana ulit matulog kaso......

"Sabi na nga ba e, sarap na sarap ka matulog kapag tabi mo ako," sabi ng kupal na si Xander. Agad akong tumayo at pinanlakihan siya ng mata pero ngiti lang ang ginawa niya.

"Good morning," bati niya.

"I don't talk to stranger."

"Ah, kaya pala may ex kang stranger."

"Excuse me?"

"Daan ka na."

"Kingina mo, sino ka ba?" kunwari hindi ko siya kilala.

"Ako si Xander. Yung lalaking mahal na mahal mo."

Tumawa ako. "Mahal? You mean my Mawel?"

Kumunot ang noo niya. "Gano'n ka ba kadesperada makalimutan ako? Pati towel minahal mo?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Maglinis ka ng tenga mo, hangal. Mawel 'yon."

"Towel?"

"Mawel nga."

"Towel?"

"Damn you Xander! Sabing si Mawel."

Tinawanan niya ako. "Chill. Natatawa pa din ako kapag naiinis ka."

"Pasalamat ka nakatali yung mga kamay ko, kung hindi baka puno ka na ng kalmot at hampas."

"Hindi ka ba napapagod saktan ako?"

Natahimik ako sa sinabi niya. Ang kapal naman ng mukha mo. Ako ba yung nanakit? Ikaw 'yon 'di ba?

"Ikaw ang nanakit, hindi ako."

"Pero hindi ka naniniwala sa sinasabi ko."

"Sinungaling ka kasi."

"Sino ba kasi yung Towel na 'yon?"

"Si Mawel 'yon. Hindi Towel."

"Sino nga?"

"Suitor ko, bakit?"

Napailing siya. "Kung ako sa kanya, ititigil ko 'yan. Kawawa siya e."

"Bakit?"

"Kasi paghihiwalayin ko kayo."

"As if kaya mo."

"Kayang kaya ko 'yon."

"Tss. Mawala na ang lahat 'wag lang si Mawel."

Saglit siyang natahimik. Saglit akong napatingin sa kanya, natulala siya at Parang hindi makapaniwala. Nakikita ko din ang sakit sa kanyang nga mata. Kasalanan niya 'yan.

"Mahal mo ba yung Mawel na 'yon?"

"Hindi ko alam."

"Kung gano'n, tigilan mo na siya."

"At bakit?"

"Dahil kahit kailan, akin ka lang."

Mark's POV

"Alam mo ang weird ni Mom," sabi ni Joanna. Naghahanap kami ngayon.

"Bakit?"

"Naalala mo nung dumating siya tapos kinuwento ko na nagluto ako?"

GID2: The Queen's Revelation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon