Chapter 37

746 17 1
                                    

Joanna's POV

Natulala ako nang malaman na nawala sinabi Kent. Tahimik lang kami sa tambayan. Ang iba ay tulala rin at nagiisip.

Halos nawala si Kent, Xander, Hugler, Jamal, at Hasib. Napatingin ako sa kanilang lahat at binilang sila.

Si Layedie, Kate, Leigh-an, Ako, Kurt, Aivan, Conway, VJ at Mark. 9 nalang kaming natitira pero bakit nga ba kami kinukuha? Hmm.... Hindi naman siguro kasama si Leighanna 'di ba? Kasi kung kasama siya 10 na.

Nabasag ang katahimikan nang hinampas ni Aivan ang Table. "Kailangan na natin gumawa ng aksyon," seryosong sabi niya.

"How?" tanong ni Kate.

"Maghahanap na tayo," sagot ni Kurt.

Bigla akong kinabahan. Feeling ko kapag may lumabas o lumayo man ang isa sa amin ay may mawawala.

"Nalalaman na din ito ng ibang students, marami nang nagrereklamo at nagaalala dahil baka makuha din sila," sagot ni Conway. Tumingin siya sa akin at kay Aivan.

"Recently lang, may nag-report dito na nawawala ang mga students. Binantaan niya yung principal na babawiin nila yung shares dito sa school dahil sa mga nababalitaan nilang nawawala yung mga estudyante," sambit pa ni Conway.

"Kailangan niyo talaga gumawa ng paraan dahil malulugi ang VU pag nagkataon," sabi naman ni Kurt.

"Kaya nga tara na, wala tayong mapapala kung hahayaan o tutunganga lang tayo. Nawala na sina Mel, Juliana at Kent. Hahayaan nalang ba natin lumala?" tanong ni Leigh-an. Tumayo siya at akmang lalabas ng pigilan ko siya.

"Wait! 'Wag kang lalabas."

Kumunot ang noo ni Leigh-an. "Bakit?"

Iniwas ko ang aking tingin? Bakit ko nga ba siya pinipigilan? "D-dahil b-baka delikado."

"May alam ka ba?"

"Wala."

"Wala naman pala e. Hayaan mo ako sa gusto mo."

"Pero baka mawala ka din."

"Tama si Queen, Leigh-an. Kung maghahanap man tayo dapat grupo grupo. Sumama ka kina Kate. Ako, si Kurt at Conway ang magkasama tapos si Mark, Vj at Joanna ang magkakasama sa paghahanap," sabi ni Aivan.

"Bakit si Conway pa?" tanong ni Kurt

"Ayaw mo? Edi 'wag kang sumama. Isusumbong kita kay Jenny."

Napakunot ang noo ko. "Jenny? Who's that?"

Nagkatinginan sila ni Kurt. "Oo si Jennifer, nakita mo na siya noon."

"Really? Hindi kasi ako nakakaalala ng name kung hindi talaga ako interesado."

"Aww. Why naman Queen? Ayaw mo ba ako?" Napalingon ako sa nagsalita.

"Eh?"

Hinampas niya ako ng mahina sa braso. "Ang bad mo na ulit. Bumabalik ka na sa dati. May naalala ka na ba?"

GID2: The Queen's Revelation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon