Chapter 23

855 22 2
                                    

Layedie's POV

Hindi ako umattend sa party dahil naguguluhan ako. Ramdam ko ang galit sa aking puso. Nagpaulit ulit lang sa aking isip ang paguusap namin ni xander kanina.

"Gusto kong mag-explain," sabi niya ng lumapit siya sa akin.

"May 5 minutes ka para i-explain LAHAT ng dapat kong malaman."

"What?!"

"Starts now."

"Paano ko ba sisimulan?"

"5 minutes and 3 seconds."

"Saan ako magsisimula?"

"4 minutes and 47 seconds."

"'Wag mo nga akong bilangam! Nape-pressure ako, o!"

"Wala akong paki. Kung nagsabi ka pa lang nung una, hindi ako ganito sa'yo. 4 minutes and 5 seconds."

"Okay okay!"

Tiningnan ko lang siya.

"Noong una, ginawa talaga kitang rebound dahil nasaktan ako sa ginawa ni angel na pag-busted sa akin."

Nakaramdam ko ang inis at galit.

"Kaya nilapitan kita para maging rebound at para na din pagselosin si angel, alam kong may gusto ka sa akin."

"Ah, kaya pala. Ginawa mong advantage 'yon?" sarkastikong wika ko.

"Makinig ka muna."

"2 minutes and 50 seconds."

"Habang tumatagal, hindi ko namalayan ang sarili ko na minahal na din kita. Nakalimutan ko si angel ng dahil sa'yo."

"Kasi nga ginawa mo akong rebound. Iba yung minahal at yung ginawa ka lang na rebound."

GID2: The Queen's Revelation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon