Chapter 18

835 21 9
                                        

Leighanna's POV

Natapos ang laro ni Joanna at gumawa siya ng himala! Ang galing niya dahil nanalo siya ng sunod sunod kaya tumaas ang ranking niya.

Natapatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong nag-vibrate. May text galing kay mommy.

From: Mommy
Ate, pwedeng favor? Masyado kasi kami busy ngayon. Gusto kong sunduin mo ang bisita natin. Alam kong matutuwa ka kapag nakita mo siya. Thanks

Mabilis akong nag-reply.

To: Mommy
Sure mom.

"Kurt ano nang gagawin natin doon sa deal?" Rinig king tanong ni Jenny.

"Anong deal?" Takang tanong ko naman.

"Tss. 'Di ba pinatawag ng principal si joanna?" Tumango ako sa sinabi ni Kurt. "Balak sanang patalsikin ni tita si joanna sa school dahil sa nangyari kay jenny."

Bahagyang kumunot ang noo ko. "Bakit siya papatalsikin? Sa labas naman ng school yung nangyari ah! Isa pa, bakit paaalisin yung tao kung siya pa mismo ang tumulong kay jenny? Aba naman! That's unfair!" gigil na sabi ni layedie samantalang tahimik lang ako sa kanila habang nakakunot pa din ang noo.

"Tama siya. Jenny, bakit hindi mo pinigilan ang mommy mo?" si ellezer. Napayuko si jenny.

"Hey! Kakagaling lang nung tao. 'Wag niyo siyang i-pressure. Isa pa, bakit niyo kinakampihan? Akala ko ba galit kayo sa kanya?" Tanong ni Kurt.

"E bakit kinakampihan mo 'yan?" Mataray na tanong ko.

"Dahil tama lang naman yung gina--"

Hindi siya natapos dahil sumigaw si adam. "Hindi tama 'yon! Ano bang nangyayari sa'yo kurt? Parang dati kahit saang angulo pa tingnan noon na Mali siya kinakampihan mo pa din. Ano 'to? Bakit baligtad ngayon?!"

Natahimik kaming lahat. Ramdam ko ang pagtahimik ni Kurt. Narinig ko pa na huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Unfair din naman yung deal nila. Nagpapatawa ba ang babaeng 'yon? Ibebenta niya lahat ng yaman nila kapag hindi siya napatalsik kaya mas okay ng umalis siya 'wag lang mawala yung yaman nila jenny."

"Gago ka pala pre! Nasaan yung sinasabi mong po-protektahan mo siya?" tanong ni mel.

"Tama na ano ba!" saway ni jenny.

Sumeryoso si Kurt. "Hindi na kailangan 'yon dahil kaya naman niya ang sarili niya isa pa, pakiramdam ko nagugustohan ko na din si jenny."

Napantig ang tenga ko sa sinabi niya natahimik kaming lahat. Nakaramdam ako ng tuwa dahil move-on na siya pero bakit may part sa akin na hindi 'yon matanggap?

"Ikaw babae ka ah! Umalis ka sa paningin ko dahil matagal na akong nangigigil sa'yo! Pasalamat ka at mabait ka kaya pinakikisamahan pa kita ng maayos. Bakit nga ba hindi mo sinabi siya ang nagligtas sa'yo?! Ano, para magalit si Kurt?" inis na sabi ni layedie. Lumapit siya kay jenny at akmang sasampalin uto ng biglang may humarang sa braso niya.

"Q-queen."

Nanlaki ang mga mata namin kung sino ang kasama niya. Kasama niya sila Jamal at Hugler!

"J-jamal? H-hugler?"

Ngumiti sila.

"Kami nga! Hahaha! It's been a while," sabi ni Jamal.

"Oo nga! Namiss ko sa labas!" si hugler.

GID2: The Queen's Revelation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon