Title: MINE TO STEAL [SILVER DEMONTEVERDE] - Revised
Copyright: @KamotengWriter2014
Date Started: July 5, 2021
Chapter 3: Five Minutes
[SILVER]
I was sitting beside the grave of my wife. Alam naming lahat na wala itong laman. Dahil matapos siyang pugutan ng ulo at ang lahat ng mga biktima ng mga terorista ay sinunog din nila ito sabay-sabay. Ito ang multo ng kahapon na hindi ko makakalimutan hanggang ako'y nabubuhay. Three years had passed, and yet I could still feel the same pain that sinks deep into my veins as if it just happened yesterday. How can I overcome this suffering if the only thing left for me is the desire to be reunited with my wife? I want to be with you mahal ko, but even that is forbidden. Dahil ipinagbawal mo.
I looked around inside the Museleo. It doesn't look like a one at all. It is more of a dollhouse where the whole room is filled with Vriella's stuff. From her clothes, pictures, pastry books, laptop, phone, video camera, and down to her collections of teddy bears. Everything stood in place and being with all of her belongings somehow brought me happy thoughts and cheerful moments to reminisce.
"Kuya" Perry said. She handed me a slice of pizza and a bottle of beer.
"I miss her so much kuya" She admitted.
"Madalas ko pa rin siyang napapanaginipan. Sa panaginip ko, tulad ng dati, lahat minomonitor nya, mga bata sa ampunan, sa TGCC shop, ikaw, ako, si Carl, everyone. Tapos nagising akong may luha sa mga mata ko." Mahinang sabi ni Perry. Hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Tama ka naman, may mga pagkakataon pa rin na tinatanong ko kung bakit siya pa? Napakabait ng ate ko at hindi niya deserve ang masamang nangyari sa kanya. Higit pa doon hindi nya deserve mamatay sa karumaldumal na paraan" Malungkot na pahayag ni Perry.
Tumingala ako para pigilan ang namumuong luha na dala ng galit at paghihimagsik sa aking mga mata. "I'm so sorry Perry, I couldn't do anything. Isa akong inutil. Isang walang kwentang asawa na walang nagawa upang iligtas ang kaisa-isa babaeng minamahal ko".
Ilang taon na rin akong kinakain ng guilt. Ako ang dahilan kung bakit siya napahamak. Ako ang nagtulak sa kanya sa kamatayan. Sa isiping iyon ay hindi ko na nagawang pigilan pa ang aking sarili, yumuko ako at tuluyan ng humagulgol.
"I'm so sorry, it's all my fault. Ako dapat ang namatay at hindi siya. Ako ang dapat pinarusan, hindi sya." I wailed.
"Kuya, tama na. Wala kang kasalan. Hindi mo kagustuhan ang nangyari. Ipagpasa- Dios na lang natin ang lahat."
"You have to let her go kuya. It's been three years. She's wouldn't want us mourning like this for the rest of our lives. Para sa ikatatahimik niya, wag mo nang patuloy na sisihin ang sarili mo." Perry was trying to console me.
"Justice was served, nalusaw at naparusahan na ang mga taong nanakit at pumaslang sa kanya. Alam mo yan, nakamit na natin ang hustisya. Kaya please kuya stop punishing yourself". She pleaded while holding my hands.
"She suffered enough sa mga kamay ng mga walang kaluluwang tao na pumatay sa kanya. Huwag na natin siyang pahirapan pa. We need to let her rest in peace." Hinawakan niya ang aking balikat.
"We have to start a new life, a new beginning. A life with new hopes, dreams, and happiness. Iyan alam kong gusto ni ate para sa atin lahat." She said and smiled at me.
Tumingin ako kay Perry at pinahid ang aking mga luha, sa ganitong pagkakataon hinahayaan ko ang sarili kong maging mahina. Ito lang ang pagkakataon na kaya kong ipakita ang tunay kong nararamdaman. Alam ko na walang higit na kakaunawa sa akin kung hindi ang kapatid ng aking asawa.
BINABASA MO ANG
SILVER DEMONTEVERDE (Mine To Steal) - Completed
RomanceWhat happens when you kiss the wedding singer instead of the bride? What if someone stole the most important part of your life for a very long time? How will you take back what's yours if you're running out of time? But the real question is, what...