XXII - Performer

8.1K 180 4
                                    

Title: MINE TO STEAL [SILVER DEMONTEVERDE] - Revised

Copyright: @KamotengWriter2014

Date Started: July 5, 2021

Chapter 22: Performer

Flashback....

"Hello Christian?" I was calling him dahil mahigit isang buwan na siyang hindi nag papakita sa akin at sa aming mga anak.

"Tulog pa ang asawa mo, napagod ko yata ng husto". Malanding sagot ng babae sa kabilang linya.

"Sino ka? Bakit nasa iyo ang telepono ng asawa ko?" Galit kong sabi sa kanya.

"Girlfriend niya, mamaya ka na lang tumawag, ayaw ni Christian na iniistorbo ang tulog nya." Mayabang at malandi pa nitong sabi.

"What?! I need to talk to my husband you B----!" Sigaw ko.

"Hello, hello, Shit ka!" Galit kong sigaw dahil binabaan ako ng babae yung ng telepono. Naiiyak ako sa galit. Napakasama talaga niya. Buong akala ko ay abala siya sa trabaho, yun pala! Napakalaki ko namang tanga, pilit kong isinasalba ang aming pamilya, nais kong manatili itong buo para sa aming mga anak. Pero, sobra na siya. Hindi ko na kaya ang mga kasamaan niya sa akin.

"Hello darling! -----Hey, why are you crying?" Patakbong lumapit sa akin si Loverboy. I hug him and cry over his shoulder. I feel so betrayed and abused physically and emotionally.

"Hindi ko na kaya Love, Ayoko na! Masyado na niyang tinatapakan ang pagkatao ko, daig ko pa ang isang basura kung tratuhin niya. Hihiwalayan ko na siya habang may katiting pang dignidad na natitira sa pagkatao ko." Labis na sama ng loob ang nararamdaman ko. Hinananap ko kung bakit at saan ako nag kamali, para tratuhin niya ako ng ganito.

"Sige lang, iiyak mo lang yan, pero, pagkatapos magpakatatag ka at manindigan ka na at totohanin mo na yang sinasabi mong iiwan mo na ang gagong yun. I will always be here for you. Hindi kita pababayaan, dito lang ko para sayo Auracle". He was crying too, alam niya lahat ang hirap na pinagdaanan ko sa kamay ni Christian. Ayaw nya lang akong pangunahan dahil alam niya ayokong ng broken family para sa mga anak ko.

[AURACLE]

I was looking at my reflection in the mirror, and thinking about what happened yesterday. Nakapag-decide na akong makipaghiwalay sa asawa ko. It was long overdue; I should've done that a long time ago. It's just that I couldn't bear the thought that my children would grow up with a broken family.

Pero, aanhin ko ang pamilya buo sa panlabas na kaanyuan kung durog na durog naman ang aking pagkatao sa kamay ng haligi ng aming tahanan. Nangako naman si Loverboy na tutulunga niya ako sa lahat ng kailangan ko. Tunay ang pagmamalasakit sa akin ni Loverboy, para ko na siyang kapatid. Somehow, I felt relieved with my decision. Mabuti na rin siguro ito, kahit alam kong mahihirapan ako sa mga anak ko na magpaliwanag, balang araw mauunawaan din nila ang naging pasya ko. Naniniwala akong maiintindihan din nila ang lahat pag laki nila.

My only regret would be the situation where my kids would be labeled as children of a broken family. It will be harder for them and thinking of that shatter my heart into pieces.

NGAYON ang performance ko sa THE RED BAR & GRILL. All-female performance ngayon gabi kaya marami ang male audience. After ng isang sikat na grupo ng mga babae ay ako naman sasalang sa stage. Mag kaiba kami ng forte ng naunang grupo. More on danceable music ang kanilang performance kung saan nakikipag sayaw din sila sa mga audience na mapili nilang umakyat sa stage, most of the time they flirted around with the audience as a form of entertainment.

SILVER DEMONTEVERDE (Mine To Steal) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon