XV - What Hurts The Most

8.7K 166 1
                                    

Title: MINE TO STEAL [SILVER DEMONTEVERDE] - Revised

Copyright: @KamotengWriter2014

Date Started: July 5, 2021

Chapter 15: What Hurts The Most


[LOVERBOY]

Nakaka-loka ang araw na ito, hindi ko akalain nakaka-stress pala kasama si Silver, and grabe nangatog talaga ang mga tuhod ko, especially when he looks at me every time Auracle calls me Love, parang gusto niya akong gilitan ng leeg; hindi naman ako manhid, ramdam ko na may gusto siya kay Auracle, the way he looks at her, you can really feel that he had something deeper than admiration, however, oftentimes you see him sad and worried every time she's angry or shouting at him.

Truth is, maamo at napaka-bait ni sir Silver sa kanya, kahit pa sa kabila ng katotohanang ang Silver na nakilala ko ay masama at nakakatakot talaga ang ugali. Something tells me that Auracle has the power to transform sir Silver into a totally different person. Kung bakit ganoon, hindi ko rin alam pero malaki ang kutob ko ka may gusto si sir Silver kay Auracle. Ang weird isipin, pero kung anuman ang balak niya kay Auracle, sigurado akong mapapahamak lang ang kaibigan ko, lalo na pag umabot sa kaalaman ni Christian na may nagkakagusto sa kanya at mismong lalaki pa na gumulpi sa kanya. Malaki ang posibilidad na magkagulo pag nakataon.

Ano bang gagawin ko? Sabihin ko na kaya kay Auracle ang ginawa sa akin ni sir Silver para naman mabalaan ko siya sa mga posibleng mangyari sa kanya. Ang kaso paano naman ang mga magulang ko at ang tanging negosyo ko, isama pa ang paano na ang buhay ko, baka higit pa sa kuryente at daga ang sapitin ko. Malalim akong nag iisip sa pantry habang hinahalo ko ang aking kape na malamig na yata dahil hindi ko naman iniinum. Nang biglang may humablot sa kwelyo ko at sinuntok ako sa sikmura, napasigaw ako sa sakit, at bigla naman akong itinulak sa pader habang hawak pa din niya ako sa kuwelyo.

Malakas ang aking daing sa sakit, "Sir Silver nasasaktan po ako". Habang hawak ko ang aking sikmura dahil sobrang sakit talaga.

"Bakit lagi kang tinatawag ni Auralce na love? At bakit sobrang lambing niya sayo? Bakla ka ba talaga o you're just pretending to be gay for you to take advantage of her?" Nalilisik ang mga mata nito sa galit.

"Sir--, ahrrgg," Pilit kong inaalis ang kamay niya dahil hindi ako makahinga. "Ganoon lang po talaga kami magtawagan, matagal na po kaming mag kaibigan at sadyang malambing lang po talaga si Auracle". Hirap kong sagot dahil nasasakal na ako ng husto. Akmang susuntukin uli ako ni Silver ng biglang pumasok sa pantry si Auracle.

"What's going on here?" Sigaw ni Auracle. Nanlaki ang mata niya at mabilis na kumilos, she took the serving spoon sa may lababo at gigil-gigil na hinampas niya si Silver. Sunod-sunod ang palo niya habang galit na sumisigaw."Get your hands off Loverboy, You monster! Ang kapal ng mukha mo! Masamang tao ka! Walanghiya ka!"

"How dare you hurt Loverboy, why don't you pick someone your own size, bakulaw ka! Punong-puno na ako sayo! Nag kapal ng mukha mo!" Namumula na sa galit si Auracle habang walang tigil sa pananakit kay Silver. Si Silver on the other hand ay sinasangga lang ang mga palo ni Auracle, at napapaatras hanggang sa ma-corner na siya ni Auracle.

"What is your problem, why do you keep hurting people I care about. You're a monster!" Dinuro niya si Silver ng hawak niyang serving spoon.

"I'm sorry Auracle. It's a misunderstanding, I'm not hurting him, we're just talking". Depensa ni Silver.

"Are you taking me for a fool? Hindi ako tanga!" Sigaw nito, sabay hampas uli kay Silver.

SILVER DEMONTEVERDE (Mine To Steal) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon