Title: MINE TO STEAL [SILVER DEMONTEVERDE] - Revised
Copyright: @KamotengWriter2014
Date Started: July 5, 2021
Chapter 29: Eyes Of Envy
[XANITY]
Mga manloloko! Mga walanghiya kayo! Mga hayop! Mga baboy kayo!
Matagal nang nakabalik si Silver, ilang buwan na rin ang nakalipas pero, kahit minsan ay hindi niya ko dinalaw. Kahit tawag, kahit text wala. Parang napakawalang halaga ko sa kanya, parang hindi ako naging bahagi ng buhay niya. Parang walang halaga sa kanya na asawa nya ako. Pagkatapos ng aming kasal ay ibinasura na lang niya ako basta. Naghintay ako, umasa, nanalangin na isang araw ay babalik siya upang ayusin ang relasyon naming dalawa. Pero mali ako---- maling-mali.
Anong kasalanan ko sayo Silver para gawin mo sa akin ito? Why? All I did was love you with all my heart. I have given you everything! But why? Why are you treating me this way? I don't deserve this! Not from you, not for fck'n loving you!
Pinahid ko ang mga luha na tila walang katapusan. Dapat sa mga oras na ito ay ubos na ang hula ko, dapat ay puro galit na lang ang nasa puso ko para kay Silver. Hindi ko akalain na ipagpapalit ako ni Silver sa babaing hinalikan niya sa kasal namin, ang asawa ni Christian. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Walang rin naman akong makuhang impormasyon mula sa mga taong malapit kay Silver. At ngayon ay magkakasama silang lahat at nagkakasiyahan, maging mga kapatid ni Silver ay nagawa na ring mahumaling sa babaing iyon. Napakalandi ng asawa ni Christian. Kitang-kita ko dito sa aking pinagtataguan ang mga nangyayari. Kung paanong gumigiling si Auracle sa katawan ng aking asawa, at kung paano niya ito inaakit. At kung paanong ang lahat sa paligid nila'y masayang nakikihalubilo sa kanilang dalawa. Auracle isa kang babaing walang delekadesa. Isa kang ulupong na nagbabalatkayo.
"No!" Nabigla ako sa aking nasaksihan. Mabilis na tinakpan ko ang aking bibig nang makita kong hinalikan ni Silver si Auracle. Lalong hindi ko inaasahan ang pag tugon ni Auracle sa halik ni Silver sa harap ng maraming tao. Mga hayop kayo! Impit kong sigaw.
Tumalikod ako at itinakip ang aking kamay sa aking mukha. Pilit kong pinipigilan ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Ngunit hindi ko kaya. "AAAhhhhhh!!! Hayop ka Silver! Hayop kayo, mga baboy kayo!" Pagod na pagod na ako sa pag-iyak. Hindi na ako makakapayag na tuluyan akong sirain ni Silver at nang walang kwentang babaing iyon. Pagbabayarin ko sila sa lahat ng pang aapi at pag apak nila sa pagkatao ko, sisiguraduhin kong maipapadama ko sa kanila ang sakit na idinulot nila sa akin.
[AURACLE]
Hindi ko alam kung gaano katagal na akong tumatakbo, ang tanging nais ko lamang ay makalayo kay Silver. Hindi tama ang aking nararamdaman. Mali ito, hindi ako ganitong klaseng babae. Hindi ako masamang babae. Paanong nawawala ako sa tamang pag-iisip sa tuwing kasama ko siya.
"Auracle please wait!" Alam ko kung sino ang tumatawag sa akin, kahit pa hindi ko pa siya ito lingunin. Please! Wag mo na akong sundan. Tama na Silver please.
"Please Auracle, I'm sorry" Naabutan niya ako at hinawakan ang aking kamay.
"Huwag mo akong hawakan!" Sigaw ko sa kanya, sabay bawi sa aking kamay mula sa pagkakahawak niya.
"Huwag mo na rin akong lalapitan". Umiiyak kong sabi, parang ako mismo ang humuhukay ng sarili kong libingan.
"I'm so sorry Auracle, it won't happen again, I swear. You have my word. Please don't cry Auracle. Come on, let's go back." His voice is in pain, he's trying to reach me, trying to calm me down. I could feel how much he cares about me, and knowing that makes me want to embrace him.
BINABASA MO ANG
SILVER DEMONTEVERDE (Mine To Steal) - Completed
RomanceWhat happens when you kiss the wedding singer instead of the bride? What if someone stole the most important part of your life for a very long time? How will you take back what's yours if you're running out of time? But the real question is, what...